Cristy sa umano'y 'di pakikiramay ni Liza kay Ogie: "Hindi ko matatanggap talaga"

Cristy sa umano'y 'di pakikiramay ni Liza kay Ogie: "Hindi ko matatanggap talaga"

- Binigyang komento ni Cristy Fermin ang umano'y hindi pakikiramay ni Liza Soberano sa dati niyang manager na si Ogie Diaz na kamakailan ay namatayan ng ina

- Matatandaang nabanggit ito ni Ogie gayung marami-rami na rin ang nagtatanong sa kanya ukol dito

- Ani Cristy, hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa na ito ni Liza lalo na at may pinagsamahan naman umano sila ni Ogie

- Inilarawan pa niyang pusong bato umano si Liza na sa pagkakataon na inaasahang makikidalamhati siya sa dating manager ay hindi nito nagawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Cristy Fermin ay nagbigay na rin ng kanyang opinyon patungkol sa umano'y hindi pakikiramay ni Liza Soberano sa dati nitong manager na si Ogie Diaz na namatayan ng ina kamakailan.

Read also

Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

Cristy sa umano'y 'di pakikiramay ni Liza kay Ogie: "Hindi ko matatanggap talaga"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa loob ng halos isang linggong nakaburol ang ina ni Ogie, hindi nakapagpadala ni maiksing mensahe ng pakikiramay ang dati nitong alaga.

"Hindi ko alam bakit ni maiksi na condolences, isang salita ay hindi nakapagpadala itong si Liza Soberano kay Tito Ogie niya. Alam naman niya na isang dekada mahigit ang kanilang pinagsamahan. Alam naman niya na nabago ang estado ng kanyang buhay dahil sa tulong sa kanya ni Ogie Diaz"
"Itong ginawa ni Liza Soberano, para sa akin, opinyon ko lamang po ito mga ka-chika. Hindi ko po kayo inaamuki na sumang-ayon sa kin. Hindi ko po kayo sinasabihan at pinapakiusapan na kampihan niyo po ako"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Para po sa akin ang ginawa ni Liza Siberano kay Ogie Diaz nung mamayapa ang kanyang ina ay kawalan ng utang na loob. Ito po ay para sa akin. Kawalan ng utang na loob sa mga tao o sa isang tao na tumulong at nagpabago ng kanyang buhay habang sila ay magkasama... Hindi ko matatanggap 'yung Romel, hindi ko matatanggap talaga"

Read also

Cristy sa posibleng demandahan sa Eat Bulaga: "Mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat"

Kataka-taka umano na ang mga taong hindi inaasahang makikidalamhati kay Ogie ay naroon subalit si Liza na naging alaga pa nito ay hindi manlang siya napadalhan maging ng salitang 'condolences' kahit bilang text message lamang.

"Kasi 'yung pagpanaw ng dakilang ina ni Ogie Diaz, ay pinag-usapan ng buong bayan. Ang mga tao po na hindi niya minanage, ang mga artista na hindi niya nakunan ng kahit singkong duling na komisyon nakaalala. Mga kaibigan, kapamilya niya, mga dating kasama sa trabaho nagpuntahan po at sumilip sa pinakahuling pagkakataon kay Nanay Mameng."
"Pero si Liza Soberano na nakatulungan niya sa pag-unlad ng kanyang buhay, hindi manlang nakaalala."

Dahil dito, walang alinlangan nang nasabi ni Cristy na tila pusong bato umano itong si Liza

"Hindi ko alam kung saan nagmumula si Liza Soberano. Hindi ko alam kung wala siya ni isang patak ng pagka-Pilipino dahil sa ating kultura ay ganyan tayo"
"Noong kasi nagdadalawang-isip pa ako, nagbibigay pa ako ng kaunting espasyo na baka naman si Liza ay magulong-magulo lang ang isip ngayon. Pero kapag ganito na ang pangyayari, may tuldok na sa dulo ito."

Read also

Asong may sakit na ibinilin ng isang lolang 'di na siya kayang alagaan, na-rescue na

"Kala pa naman natin, lalambot ang puso, pusong bato pala si Liza Soberano," giit ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa pinakabagong episode ng kanilang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel