Cristy kay Matteo: "Hindi siya ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis"

Cristy kay Matteo: "Hindi siya ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis"

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Matteo Guidicelli sa mga nagpaparatang na ito ang nagpapaikot sa career ng kanyang misis na si Sarah Geronimo

- Ito ay matapos lumabas ang ilang espekulasyon na maaring sumunod na rin si Sarah kay Matteo sa GMA

- Ani Cristy, hindi ganoong klaseng asawa si Matteo lalo na at suportado naman nito si Sarah

- Kamakailan, masayang sinalubong si Matteo ng GMA sa kanyang pagbabalik bilang isang Kapuso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Matteo Guidicelli sa mga akusasyong nagsasabi na ito ang pagpapaikot ng career ng misis nitong si Sarah Geronimo.

Cristy kay Matteo: "Hindi siya ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis"
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli (@matteog)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI isa umano ito sa mga natalakay nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode ng Showbiz Now Na!

Read also

Ogie sa umano'y patutsada ni Rendon: "'Hihina ang bentahan ng motivational rice"

Marami umano ang nagsasabi na posibleng sumunod ang Popstar Royalty sa GMA gayung naroon na ang mister ntio.

"Hindi si Matteo ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis. Hindi po siya ganoong klaseng tao. 'Wag naman po nating paratangan si Matteo na pinaiikot at siya ang nagmamane-obra sa karera ng kanyang misis"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paalala rin ni Cristy na ang Viva pa rin ang nagma-manage sa career ni Sarah Geronimo.

"Ang Viva pa rin naman ang nagma-manage kay Sarah, maging kay Matteo. So si Boss Vic Del Rosario pa rin ang talagang magde-desisyon kung lilipat na talaga si Sarah sa GMA kasama ni Matteo. 'Di naman agad-agad magdedesisyon si Sarah"
"Pupwedeng maging masaya si Matteo kung makakasama niya si Sarah sa iisang network lang. Napakaganda nga naman nun. Pero hindi gano'n kadali lalo na may mas mataas sa kanya para magdesiyon, si Boss Vic Del Rosario."

Read also

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Nito lamang May 12, isa na namang sold out concert ni Sarah ang natapos kung saan nagdiwang siya ng kanyang ika-20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel