Cristy, 'di naniniwalang dumating si Mommy Divine sa concert ni Sarah G: "'Di niya gagawin yun"

Cristy, 'di naniniwalang dumating si Mommy Divine sa concert ni Sarah G: "'Di niya gagawin yun"

- Hindi raw umano naniniwala si Cristy Fermin na dumating si Mommy Divine sa concert ng anak niyang si Sarah Geronimo

- Ibinahagi kasi ni Romel Chika na naroon si Mommy Divine subalit nasa pinakataas na bahagi ng Araneta Coliseum

- Ayon naman sa ilang mga Popsters, nakita umano si Mommy Divine na nagkakahera sa kanilang tindahan ilang oras bago ang concert ni Sarah

- Gayunpaman, isa pa rin si Cristy sa patuloy na humihiling na sana'y magkaayos na umano si Sarah at ang pamilya nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw naniniwala si Cristy Fermin na dumating si Mommy Divine sa concert ng anak na si Sarah Geronimo.

Cristy, 'di naniniwalang dumating si Mommy Divine sa concert ni Sarah G: "'Di niya gagawin yun" "
Sarah Geronimo (@justsarahgph)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may nabasa umano si Romel Chika tungkol sa hindi inaasahang pagdalo ni Mommy Divine sa 20th anniversary show ng nag-iisang Popstar Royalty.

Read also

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

"Meron daw kasosyo si Mommy Divine sa kanyang negosyo na may meeting sila noong araw na 'yun na pinos-postponed daw ni Mommy Divine kasi manonood daw siya ng concert ni Sarah. Hindi siya pumunta sa taas, doon siya sa bandang taas," ani Romel na agad naman inalmahan ni Cristy.

"Knowing her, ang taas taas ng pride. 'di niya gagawin yun yung pupunta siya sa pinakamurang tiket. Saka puputok yun kung totoo yun. May makakakilala sa kanya. Kilala siya e."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi rin ni Cristy ang umano'y nakwento ng mga Popsters na nakita ang kinaroroonan ni Mommy divine ilang oras bago ang concert na anak.

"Alam mo ang mga lumabas na kwento, habang nagpi-prepare si Sarah sa kanyang concert siyempre maghapon nandun siya. Alas dos siguro nagre-rehearse. Si Mommy Divine daw marami ang nakakita na nagkakahera daw sa kanilang tindahan. Siya ang nakaupong cashier"

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

"So ibig sabihin, pagka-ganoon walang plano talaga. Walang kaplano-plano na panoorin 'yung anak."

Gayunpaman, tulad ng hiling ng marami, sana'y tuluyan nang magkaayos si Sarah, at ang kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Nito lamang May 12, isa na namang sold out concert ni Sarah ang natapos kung saan nagdiwang siya ng kanyang ika-20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel