Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

- Naging emosyonal umano si Joshua Garcia sa premiere ng bago nilang teleserye na 'Unbreak my Heart'

- Nakapanayam siya ni Ogie Diaz sa gabing iyon kung saan umani na agad ng papuri ang bumubuo ng ipalalabas na serye

- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama ang mga Kapamilya at Kapuso Stars

- Kaya naman ang naturang premiere ay binubuo ng mga artista ng magkabilang istasyon na ngayo'y magkatuwang na sa paggawa ng mga dekalidad na programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong naging emosyonal si Joshua Garcia sa premiere night ng bago nilang teleserye na 'Unbreak my heart.'

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"
Joshua Garcia (@unbreakmyheartofcl)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz si Joshua kung saan nasabi ng aktor ang nararamdaman niya nang gabing iyon.

"Excited na kinakabahan. Emosyonal din, finally ito na, pinalabas na. So sobrang emosyonal, and then ngayon parang high pa rin ako."

Read also

Cristy sa umano'y magaganap sa Eat Bulaga: "May magbubulagaan, may bubulagta"

"Talong kung talon 'yun, wala akong limit dito... ung before may mga limits pa syempre may mga batang nanonood. Ito pwede rin sa bata pero ibang level naman ngayon"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Unbreak my heart ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsama ang mga Kapamilya at Kapuso Stars na sina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.

Dinaluhan din ng mga Kapuso at Kapamilya stars ang naturang event bilang pagsuporta sa mga naturang serye.

Umani na rin agad ito ng papuri sa naturang premiere night pa lamang kaya'y lalo silang naging excited na mapanood na ito ng publiko.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Joshua mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel