Dating dorm mate ni Eileen Sarmenta, inalala ang malagim na sinapit ng dalaga

Dating dorm mate ni Eileen Sarmenta, inalala ang malagim na sinapit ng dalaga

- Masakit para sa dating dorm mate at kaibigan ni Eileen Sarmenta ang balitang maaaring makalaya si Antonio Sanchez

- Maliban sa pamilya nina Eileen at Allan, muling bumalik sa kanyang alaala ang umagang pinuntahan niya ang wala nang buhay na katawan ni Eileen

- At dahil sa mga lumabas na balitang makakalaya na ang salarin, nabuhay raw muli ang takot para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Malinaw pa rin daw para kay K (hindi niya tunay na pangalan) ang umaga ng June 29, 1993 kung kailan isang malagim na balita ang bumungad sa kanila.

Base sa panayam rito ng OneNews, dati silang magkasamahan sa La Ville, isang dormitoryo sa loob ng UPLB ni Eileen Sarmenta.

“We were a room apart in the dorm. She was a gentle ate to almost impetuous younger me,” anito.

Labis na raw na nag-alala ang kanilang landlady nang hindi nakauwi nang gabi ng June 28, 1993 si Eileen, bagay na hindi nito ginagawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Until now, I still vividly remember the morning when our Dorm Mother (landlady), before 8 a.m., told us that Eileen was gone. We were asked to go to the UPF Station to identify her body. I still can’t bear the memory of seeing how she looked that morning of June 29, 1993. The trauma is still there,” ani K.

Isa siya sa mga positibong kumilala sa katawan ni Eileen noon sa UP Police Force Station.

“Everything was a blur now. What was clear was the desecrated body of Eileen’s — part of her head was blown off. Isa lang ang mata, mukhang nahirapan, her shirt rolled up above her breasts, her shorts by her ankles. Her rubber shoes very much on,” anito.

At matapos ngang lumabas ang balitang posibleng makalaya pa ang itinurong salarin na si Antonio Sanchez, muli raw nabuhay ang takot sa kanila.

“All of a sudden, the fear and horror resurfaced with the news that Sanchez might be freed soon. It’s painful to me. How much more to her loved ones? I can’t bear the thought of how much pain her parents must be going through right now,” anito.

Samantala, sa isang balita ng KAMI, naninindigan pa rin si Antonio Sanchez na siya ay inosente.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ruru Madrid: I Want To Work With Bea Alonzo!

Young and talented actor Ruru Madrid hopes to work one day with Bea Alonzo. This is why it is his dream. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel