Cristy sa umano'y magaganap sa Eat Bulaga: "May magbubulagaan, may bubulagta"

Cristy sa umano'y magaganap sa Eat Bulaga: "May magbubulagaan, may bubulagta"

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y naiparating sa kanya ng isang realiable source ukol sa nangyayari sa Eat Bulaga

- Aniya, nagkakaroon umano ng mga secret meeting ang TVJ at umano'y ilang mga posibleng maging abgong producers ng programa

- Nagkaroon na rin umano ng head count sa mga tao ng programa na sasama sakaling matuloy ang sinasabing lipatan

- Samantala, nanatili pa ring tahimik umano ang TAPE Inc. atapos na magsalita si Senator Tito Sotto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ang tungkol umano sa mga nagaganap sa Eat Bulaga.

Cristy sa umano'y magaganap sa Eat Bulaga: "May magbubulagaan, may bubulagta"
Eat Bulaga Dabarkads/ hosts (Eat Bulaga)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Cristy ang nagsabing nagkakaroon na ng secret meeting patungkol sa mga susunod na magiging hakbang ng programa.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

"Meron pong nakarating sa amin at ito ay talagang reliable source, nagkakaroon po ng mga secret meeting. Secret meeting kung tawagin pero maitatago ba sa kahon ang mga personalidad na ating pag-uusapan"

Dahil dito, matunog ang sabi-sabi umano na "May magbubulagaan, may bubulagta"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ay dahil umano sa nangyayari na umanong head count sa Eat bulaga sa kung sino-sino ang mga sasama sakaling magkaroon ng lipatan ng istasyon.

"Naghi-head count na. lahat ng tinanong, sasama sa Tito Vic and Joey," ani Cristy.

Gayunpaman, wala pa umanong kumpirmasyon ang sinasabing mga susunod na mangyayari na ito sa Eat Bulaga lalo na at nananhimik ngayona ng TAPE Inc. matapos ang kabi-kabilang mga pagpapaunlak ni Senator Tito Sotto sa mga interview.

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Isa sa kanilang naging regular host ay si Ruby Rodriguez na isa ring aktres at komedyante.

Read also

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE.

Minsan din umanong nabanggit ni Cristy sa isa sa mga episode niya ng Showbiz Now Na! na kabilang umano sina Jose Manalo at Wally Bayola sa mga delayed umanong napapasahod ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel