Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy

- Delayed din umano ng talent fee nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Eat Bulaga

- Ayon ito umano sa source ni Cristy Fermin at sinabing kaya lagare noon sa trabaho ang dalawa

- Bukod kasi sa noontime show, mayroon din itong stint sa mga comedy bars sa gabi

- Una nang isiniwalat ni Tito Sotto ang delayed na talent fee ni Vic Sotto sa Eat Bulaga na umabot sa Php40 million subalit kamakailan ay nabayaran na umano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasama sina Wally Bayola at Jose Manalo sa umano'y mga empleyado ng Eat Bulaga na delayed umano ang sinasahod sa Eat Bulaga.

Wally at Jose, delayed din umano ang TF sa Eat Bulaga ayon sa source ni Cristy
Wally Bayola and Jose Manalo (@eatbulaga1979)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Cristy Fermin ang nakapagsabi nito kaya't nangangahulugang marami sa mga empleyado ng show ang hindi nasasahuran ng tama sakaling totoo ang mga ito.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

"'Isang source po ang nagsabi sa amin na Yun po pala 'yung panahon na pati po pala na pati sila ay delayed ang kanilang sweldo sa Eat Bulaga."
"Napakabait ng dalawang ito. Wala ngang maririnig, walang reklamo. Nasu-show. Bigay na bigay ang isang daang porsiyento, hindi pala sila sumisweldo"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang una nang isiniwalat ni Tito Sotto ang tumataginting na Php40 million na talent fee ni Vic Sotto na hindi pa umano naibibigay sa kanya na sinundan naman ng kumpirmasyon ni Vic na matapos umano itong maisiwalat ay nabayaran na rin siya.

Gayundin si Joey De Leon na nabalitaan din kamakailan ni Cristy na nabayaran na ng kulang na talent fee subalit wala pa itong kumpirmasyon mula sa Eat Bulaga host.

Doon nakumpirma naman nina Cristy at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! na sina Wendell Alvarez at Romel Chika na ganoon na lamang ang pagmamahal at respeto ng mga Eat Bulaga host sa programa na patuloy pa rin ang pagbibigay saya sa kabila ng kanila mismong pinagdaraanan sa kanilang show.

Read also

Cristy, nabanggit ang pagtatanungan umano ng mga Eat Bulaga hosts ng mangyayari sa kanila

Sina Wally Bayola at Jose Manalo ang dalawa sa mga host ng Eat Bulaga na nakakadagdag saya sa programa.

Samantala ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Isa sa kanilang naging regular host ay si Ruby Rodriguez na isa ring aktres at komedyante.

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel