Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia

Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia

- Ilan sa mga napuring baguhang artista ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano ay sina Enchong Dee at Joshua Garcia

- Aniya, nais din niyang ma-interview ang mga ito sa kanyang YouTube channel

- Hanga umano si Maricel sa acting skills ni Enchong Dee kahit 'di pa umano niya ito nakakatrabaho

- Nababaitan naman siya kay Joshua Garcia kaya naman nais niya talaga itong ma-interview

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natanong ni Ogie Diaz ang nag-iisang Diamond Star ng Pilipinas na si Maricel Soriano kung sino ang mga 'bagets' na artistang nais nitong ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na tila kinakarir na rin ni 'Maria' ang pagba-vlog at napanood na nga sa kanyang channel ang ilan sa mga kilalang artista sa bansa.

Read also

Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

Maricel Soriano, napuri at nais ma-interview sina Enchong Dee at Joshua Garcia
Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)
Source: Youtube

Aniya, hanga siya kina Enchong Dee at Joshua Garcia hindi lamang sa pag-arte kundi pati na rin sa ugali ng mga ito.

"May mga bagets akong gustong ma-interview. Kagaya ni Enchong, ang husay niyang umarte ng batang 'yan. Tuwang-tuwa ako, hindi pa kami nagkakatrabaho."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Tapos si Joshua Garcia. gusto ko siyang ma-interview. Napakabait din nung batang yun."

Samantala, natanong din siya ni Ogie kung mayroon na bang baguhang artista na pinakitaan siya ng hindi kagandahang ugali.

"Nakakakita ako ng ganun, pero hindi ako ang ginanun. Kumbaga, nasaktan din ako. Habang pinanonood ko 'yung eksenang ganu'n, "e bakit ako, hindi niya ba ako kilala? Hindi manlang nagbigay pugay"

Ayon kay Maria, ayaw niyang pa-stress sa ganoong klaseng tao o sitwasyon lalo na kung hindi naman niya kilala ang mga ito.

"Sinabi ko sa sarili ko na ayaw kong ma-stress sa ganyan. Number one hindi ko naman kayo kilala. Now if you come to me and tell me who you are, then I will entertain you. But habang in the meantime you are not coming to me and say hello, edi wala ka ring mapapalsa sa aking "hi," aniya.

Read also

Cristy, naisip si Ruby Rodriguez sa gitna ng kontrobersiya ngayon ng Eat Bulaga

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mapapanood sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Maricel Soriano ay isa sa mga respetadong aktres sa pelikula man o telebisyon sa bansa. Kilalal rin siya sa kanyang husay sa pagsasayaw at minsan na rin gnag-host ng kanyang programa. Isa siya sa mga maaagang nagsimula ang showbiz career kaya naman sa ngayo'y 50 taon na siya sa industriyang kinikilala siya bilang 'The Diamond Star.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel