Maricel Soriano sa tanong kung sino pinakamalakas nyang nasampal: 'I think si @vicegandako'

Maricel Soriano sa tanong kung sino pinakamalakas nyang nasampal: 'I think si @vicegandako'

- Sinagot ni Maricel Soriano ang katanungan sa kanya kung sino ang kanyang nasampal na pinakamalakas

- Ani Maricel, sa tingin niya ay si Vice Ganda dahil aniya ay dumugo dahil sa kanyang sampal

- Kilala si Maricel Soriano sa kanyang makatotohanang pag-arte at nadadala siya ng emosyon ng eksena

- Kaya naman, marami sa mga artistang nakakaeksena niya ang nagsabing malakas itong manampal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Maricel Soriano kung sino daw ang nasampal niya na pinakamalakas. Ani Maricel, sa tingin niya ay si Vice Ganda ang nasampal niya nang pinakamalakas dahil dumugo pa raw dahil sa kanyang sampal.

Maricel Soriano sa tanong kung sino pinakamalakas nyang nasampal: 'I think si @vicegandako'
Maricel Soriano sa tanong kung sino pinakamalakas nyang nasampal: 'I think si @vicegandako'
Source: Instagram

Isa-isang sinagot ni Maricel ang katanungan sa kanyang netizens sa X. Matatandaang sa media launch ng kanilang seryeng Linlang, naibahagi ni Kim ang matinding eksena nila ni Maricel kung saan sinampal siya nito. Inilarawan ni Kim ang pagsampal na para daw baseball.

Read also

Robi, nagulat sa pagkakasampal sa kanya ni Melai: "Sabi mo sa'kin daplis lang"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kilala si Maricel Soriano sa kanyang makatotohanang pag-arte at nadadala siya ng emosyon ng eksena. Kaya naman, marami sa mga artistang nakakaeksena niya ang nasabing malakas itong namanpal.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Hahahahahaha that scene from Girl, Boy, Bakla, Tomboy Ikaw kc Mark Jill pinag-araro mo si Girlie kaya si Peter na may karamdaman sa atay ang pumalit kaya ayan tuloy naospital.
Si Dingdong kasi habang sinasampal sya parang nararamdaman ko bawat sampal hahahahahaha
ove you inay, sana magsasama kayo uli sa sang pelikula

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan Darating ang Umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel