Robi, nagulat sa pagkakasampal sa kanya ni Melai: "Sabi mo sa'kin daplis lang"

Robi, nagulat sa pagkakasampal sa kanya ni Melai: "Sabi mo sa'kin daplis lang"

- Nagulat umano si Robi Domingo sa pagkakasampal sa kanya ni Melai Francisco sa It's Your Lucky day

- Nagkaroon umano sila ng isang skit kasama ang isa sa kanilang contestant

- Kapansin-pansing tila napalakas ang pagkakasampal ni Melai kay Robi na napahawak sa kanyang panga pagkatapos

- Panay naman ang sorry ni Melai at inaya niya ang audience na palakpakan si Robi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagulat si Robi Domingo sa pagkakasampal umano sa kanya ni Melai Francisco sa programa nilang It's Your Lucky Day.

Robi, nagulat sa pagkakasampal sa kanya ni Melai: "Sabi mo sa'kin daplis lang"
Robi Domingo and Melai Francisco (It's Your Lucky Day/ ABS-CBN Entertainment)
Source: Facebook

Makikitang nagkaroon sila ng skit kung saan sa umpisa'y ang contestant ang kaeksena ni Melai.

Subalit nang sumingit na si Robi, nagulat ito nang bigla na siyang masampal ni Melai bilang bahagi ng eksena.

"Sabi mo sa'kin daplis lang," ani Robi na nakahawak na sa kanyang panga. Panay naman ang sorry ni Melai kay Robi at pinapalakpakan pa niya ito sa mga manonood.

Read also

Joel Lamangan, inalala kung paano napaiyak noon si Marjorie Barretto

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube:

Si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host na unang nakilala sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Matapos ang PBB, naging bahagi na siya ng Star Magic na kinabibilangan hanggang kasalukuyan.

Samantala, si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jayson Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jayson. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera

Sa ngayon, bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo , FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel