Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

- Marami ang naaaliw umano sa karakter na ginagampanan ni Joel Lamangan sa Batang Quiapo

- Maging siya ay nagtataka gayung aminado siyang salbahe ang karakter niya sa serye

- Naikwento niyang maging ang mga bata ay kilala siya at tinatawag siyang 'Roda'

- Si Joel Lamangan ay isa sa mga respetadong direktor sa bansa na ngayo'y bahagi ng serye ni Coco Martin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang aliw na aliw umano sa karakter na ginagampaman ni Joel Lamangan sa FPJ Batang Quiapo.

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"
Joel Lamangan (Joel Lamangan Facebook)
Source: Facebook

Bilang si Roda, tumatak na siya sa mga tagasubaybay ng serye na kahit aminadong hindi kagandahan ang pinakikita ng karakter, ay kinagigiliwan pa rin ng marami.

"Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao? Hindi nakakatawa, ka okay ka," ang sabi raw ng ilan ng kanyang mausisa ang mga ito.

Read also

Joel Lamangan, inalala kung paano napaiyak noon si Marjorie Barretto

"Hindi naman ako comedian. Salbahe ako doon... Oo nga pero gusto namin, sabi nila," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging mga bata ay kilala siya bilang si Roda, subalit sinisita niya raw ito at pabirong sinasabi na para may paggalang, dapat "Miss Roda" ang itawag sa kanya.

Naikwento rin ni Direk Joel na mas nadadalian siya ngayong isa siyang aktor at hindi direktor sa serye.

Aniya, dahil sa kanyang karanasan, nagdadagdag siya ng linya sa kanyang karakter na sa tingin naman niya'y nakatulong at naging epektibo.

"May script. Pero mula du'n sa script nagdadagdag pa ako."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Direk Joel Lamangan ay isang kilalang Filipino film director, television director at actor sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga obra ay ang he Flor Contemplacion Story, Sidhi, Deathrow, Hubog, Aishte Imasu 1941, Blue Moon and Mano Po. Sa ngayon, bahagi si Direk Joel ng teleserye ni Coco Martin, ang FPJ's Batang Quiapo kung saan kinagigiliwan ang kanyang karakter bilang si Roda.

Read also

Ricci Rivero, sa pagkakadawit ng ex sa KathNiel breakup: “No comment na po"

Sa naturang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento niya kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto. Hirap daw noong umiyak ang aktres para sa eksena na kanilang kinukunan kaya naman pinagalitan niya ito para lang may paghugutan umano ng emosyon.

Samantala, ang FPJ Batang Quiapo ang isa sa mga pinakaabangang palabas gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Pinangungunahan ito ng 'Primetime King' na si Coco Martin na kilala sa paggawa ng de kalidad na mga teleserye sa bansa. Katunayan, tumagal ng pitong taon ang nauna nitong serye na FPJ's Ang Probinsyano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel