Ricci Rivero, sa pagkakadawit ng ex sa KathNiel breakup: “No comment na po"

Ricci Rivero, sa pagkakadawit ng ex sa KathNiel breakup: “No comment na po"

- Pinili ni Ricci Rivero na huwag nang magsalita tungkol sa pagkakadawit sa pangalan ng ex sa hiwalayan ng KathNiel

- Aniya, wala naman siyang sama ng loob sa kahit kanino at mahalaga lang sa kanya na maayos ang kanyang pamilya at ang girlfriend niyang si Leren Mae Bautista

- Nilinaw niya rin na walang nangyaring overlap sa kanyang relasyon sa kasalukuyang girlfriend at ng kanyang ex

- Sa kabila ng naranasang pambabatikos ay sinabi ni Ricci na hindi siya nangtanim ng sama ng loob

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nahingian ng pahayag si Ricci Rivero kaugnay sa pagkakadawit ng pangalan ng kanyang ex sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa video na binahagi sa Instagram ng poplife.ph, sinabi ni Ricci na wala siyang sasabihin dahil ang mahalaga lang sa kanya ay okay ang kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

Anne Curtis, walang bulol moment sa It's Showtime ngayong araw: "I'm so happy! I did it!"

Ricci Rivero, sa pagkakadawit ng ex sa KathNiel breakup: “No comment na po"
Ricci Rivero, sa pagkakadawit ng ex sa KathNiel breakup: “No comment na po"
Source: Instagram
“No comment na po. Wala po. Wala akong anything sa kahit na sino. Ako naman, ang importante lang sa akin is okay yung family ko, wala kaming hate sa kahit ano man.

Naganap ang panayam na ito sa Zion event noong January 12 sa Pasay City.

Muli ay nabanggit niyang walang naganap na overlapping sa kanyang relasyon sa ex at sa kasalukuyang girlfriend.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Yeah, everyone knows dun sa buong circle namin. Wala pong overlapping,”

Si Ricci Paolo Uy Rivero o mas kilala bilang si bilang si Ricci Rivero ay isang Filipino basketball player. Nakilala siya sa kanyang performance sa UAAP Season 80 men's basketball tournament dahilan para siya'y mapabilang sa Mythical Five at makuha ang Most Improved Player award. Bukod sa basketball, isa rin siyang modelo at pinasok na rin niya ang mundo ng Showbiz.

Read also

Driver na kasama sa tinuturong sangkot sa pagkawala ni Catherine Camilon, sumuko

Matatandaang may lumalabas na bali-balita na bagong pasabog umano ang kampo ni Ricci Rivero ukol sa dating karelasyon na si Andrea Brillantes. Sinasabing may naiwang underwear si Andrea sa condo unit ni Ricci. Ani Cristy, maaring gawa-gawa lamang ito ng kampo ng lalake gayung may nasabi si Andrea tungkol sa ex na hindi nagpapalaba sa loob ng isang taon. Depensa naman ni Cristy, respeto nalang sana at hindi na nararapat pang magsalita ng lalake lalo na at maaring ikasira ito ng imahe ng babae.

Kamakailan ay binahagi ni Andrea Brillantes ang kanyang pagkomento sa Instagram live ng Blackpink member na si Rosé. Sa kanyang Instagram story ay binahagi ni Andrea ang kanyang pagkomento sa IG live ni Rosé at ang reaksiyon nito nang malamang break na sila ng lalaki na niyaya niya sa prom. Hindi napigilang mapatakip ng bibig si Rosé na tila nabigla sa sinabi ni Andrea. Ani Andrea, okay naman siya at masaya dahil napansin siya ng Blackpink.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel