Joel Lamangan, inalala kung paano napaiyak noon si Marjorie Barretto
- Naikwento ng batikang direktor na si Joel Lamangan kung paano niya napaiyak noon ang aktres na si Marjorie Barretto
- Aniya, para umano ito sa isang eksena kung saan nahirapang umiyak noon ang aktres
- Aminado siyang napagalitan niya ito dahilan para tuluyan nang maiyak si Marjorie
- Sa ngayon, isa sa kinagigiliwan sa 'FPJ's Batang Quiapo' ang karakter ni Joel bilang si Roda
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalala ng respetadong direktor sa bansa na si Joel Lamangan ang pagkakataon kung saan napaiyak niya umano si Marjorie Barretto.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Direk Joel kung paano niya nailabas ang emosyon si Marjorie para sa isang eksena na kanilang kukunan at kinakailangan nitong umiyak.
"Pinagalitan ko nang pinagalitan. Diyos ko mag-uumaga na, hindi pa rin umiiyak. Pinagalitan ko nang pinagalitan, minura-mura ko," pagbabalik-tanaw ni Direk Joel.
At nang mapaluha na ito, agad niyang sinabing kunan na ang naturang eksena.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Take, take ayan na lumuluha na o. Nakuha naman niya. Ang sabi ko sa kanya 'very good," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Direk Joel Lamangan sa YouTube channel ni Ogie Diaz:
Si Direk Joel Lamangan ay isang kilalang Filipino film director, television director at actor sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga obra ay ang he Flor Contemplacion Story, Sidhi, Deathrow, Hubog, Aishte Imasu 1941, Blue Moon and Mano Po. Sa ngayon, bahagi si Direk Joel ng teleserye ni Coco Martin, ang FPJ's Batang Quiapo kung saan kinagigiliwan ang kanyang karakter bilang si Roda.
Ang FPJ Batang Quiapo ang isa sa mga pinakaabangang palabas gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Pinangungunahan ito ng 'Primetime King' na si Coco Martin na kilala sa paggawa ng de kalidad na mga teleserye sa bansa. Katunayan, tumagal ng pitong taon ang nauna nitong serye na FPJ's Ang Probinsyano.
Labis namang hinangaan si Miles Ocampo sa pilot episode ng Batang Quiapo. Kabi-kabilang papuri ang kanyang natanggap, mula sa netizens hanggang sa mga kapwa niya artista.
Emosyonal si Miles nang matalakay nila ito sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano. Aniya, weakness niya talaga ang masabihan ng mga magagandang salita at papuri sa kanya ng marami.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh