Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

- Natanong ni Ogie Diaz si Maricel Soriano kung naka-encounter na umano ito ng baguhang artista na may attitude

- Aniya, nakasaksi lamang umano siya ngunit hindi naman siya ang pinakitaan gn di kagandahang ugali

- Ibinahagi rin niya ang nakagisnan noon bilang naging isa rin siyang baguhang artista

- Nasabi niyang ayaw niyang pa-stress sa mga ganoong uri ng eksena lalo na kung hindi naman niya kilala ang mga baguhang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, natanong ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano kung nakaranas na ba itong ma-isnab o pakitaan ng di kagandahang ugali ng mga baguhang artista.

Nalaman ng KAMI na wala pa raw na-encounter si Maria na ganoong subalit nakasaksi siya at aminadong nasaktan siya sa nakita.

Read also

Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"

"Nakakakita ako ng ganun, pero hindi ako ang ginanun. Kumbaga, nasaktan din ako. Habang pinanonood ko 'yung eksenang ganu'n, "e bakit ako, hindi niya ba ako kilala? Hindi manlang nagbigay pugay"

Dahil dito, naibahagi niya ang naging training nila noon bilang naging isang baguhang artista rin naman siya.

"Kasi 'yun ang training namin e, nakagisnan namin 'yon. Na magbigay pugay ka"

Aniya, ayaw din niyang paka-stress sa mga ganitong eksena subalit nilinaw niyang kung ang mga baguhang ito ay marunong magpakilala bilang respeto, kakausapin at ie-entertain naman niya ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sinabi ko sa sarili ko na ayaw kong ma-stress sa ganyan. Number one hindi ko naman kayo kilala. Now if you come to me and tell me who you are, then I will entertain you."
"But habang in the meantime you are not coming to me and say hello, edi wala ka ring mapapalsa sa aking "hi"

Read also

Pokwang, emosyonal na ibinahagi ang dasal ni Malia: "You see, napaka-unselfish nung bata"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad tulad na lamang ni Maricel Soriano na tinaguriang Diamond Star ng Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel