Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"

Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"

- Naibulalas ni Pokwang ang kanyang saloobin sa mga bashers patungkol sa pinadaraanan niya ngayon

- Mas nakadagdag pa umano sa sakit na kapwa niya babae ang bumabatikos sa kanyang naibabahagi sa social media

- Mas mainam umano na ipagdasal na lamang na huwag itong mangyari sa kanila

- Aniya, hayaan na lamang umano siyang isigaw ang kanyang saloobin lalo na at masakit pa umano sa kanya ang nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Pokwang ang kanyang reaksyon sa mga bashers na nagsasabing dapat na mag-move on na lamang ito sa sinapit sng relasyon kay Lee O'Brian.

Pokwang sa kanyang bashers: "Kapwa ko babae 'yung mga nanggaganyan sa akin"
Pokwang (Karen Davila YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga napag-usapan nila sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa YouTube channel nito.

"Wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Madaling sabihin 'mag-move on ka na, bitter ka' kasi hindi kayo ang nakakaranas ng pain. At ipagdasal niyo na wag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak niyo, sa best friend ninyo... Sana 'wag nilang pagdaanan ang pinagdadaaan ko."

Read also

Pokwang, emosyonal na ibinahagi ang dasal ni Malia: "You see, napaka-unselfish nung bata"

"Kasi walang sugat na malalim na takpan mo lang ng bandage, okay na. No! ang sugat naghi-heal yan ng unti-unti. Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sa akin nang maramdaman niyo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, ang nakadagdag pa umano sa sakit ay sa pamba-bash na ito ay kapwa pa niya babae ang bumabatikos sa kanya.

"Ang masakit pa Miss Karen ah, kapwa ko babae yung mga nanggaganyan sa akin, mga nanay. Nanay kayo, babae kayo di niyo ako nagi-gets. Mas tanggap ko pa kung lalaki ang namba-bash sa akin e."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Karen Davila.

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Read also

Gigi De Lana sa dalawang buwang pamamahinga: "babalik ako ng mas malakas and mas healthy"

Samantala, si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Umabot na sa mahigit 1.51 million ang kanyang subscribers dahil sa mga vlog niya na bukod sa nakakaaliw ay kapupulutan lagi ng aral sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel