Gigi De Lana sa dalawang buwang pamamahinga: "babalik ako ng mas malakas and mas healthy"

Gigi De Lana sa dalawang buwang pamamahinga: "babalik ako ng mas malakas and mas healthy"

- Idinetalye ni Gigi De Lana ang tungkol naman sa kanyang pamamahinga ng dalawang buwan

- Ito ay dahil umano sa nodules sa kanyang lalamunan na makahahadlang sa kanyang pagkanta

- Bawal umano siyang magsalita sa panahong ito bilang bahagi ng kanilang pahinga

- Aniya, bubunuin niya ang pagkakataong ito sa pag-aaral naman ng mga musical instruments

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya nina Christine at Julius Babao, naidetalye rin ni Gigi De Lana ang tungkol sa pamamahinga niya ng dalawang buwan.

Gigi De Lana sa dalawang buwang pamamahinga: "babalik ako ng mas malakas and mas healthy"
Gigi De Lana (Gigi De Lana and The Gigi Vibes)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil umano sa nakitang nodules sa lalamunan ni Gigi na makahahadlang sa kanyang pagkanta.

Gayunpaman, kaya pa itong gamutin sa pamamagitan ng pahinga at hindi pagsasalita.

Pinaliwanag din ni Gigi na ang inaakala ng marami na kanyang pagsigaw at tila garalgal sa kanyang boses ang sanhi ng pagkakasakit.

Read also

Cristy nakausap na si Alden Richards ukol sa kontrobersyal na handler nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Actually technique ko po 'yun. Hindi dun nanggaling yung nodules ko. Actually may acid po ako, So yung acid pag umakyat dito mapapaos ka, So yun po yung pinaka-effect. Actually bawal na nga po ako magsalita. Pero wala, kailangan ko pa rin siyang gawin. Kasi siyempre yung mga interviews."

Maging sa kanyang pagkain ay marami na na ring bawal at bahagi rin talaga ito ng kanyang pagpapagaling.

"Tapos 'yung food ko po maraming bawal. Alcohol, carbs, andami po, andaming bawal. sweets. Kasi po 'yun po yung nagko-cause ng acid."

"Papagaling po ako and babalik ako ng mas malakas and mas healthy," ani Gigi.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Read also

Gigi De Lana, idinetalye ang pagkahilo sa stage: "Hindi ko na po talaga kinaya"

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay sa social media si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel