Gigi De Lana, idinetalye ang pagkahilo sa stage: "Hindi ko na po talaga kinaya"

Gigi De Lana, idinetalye ang pagkahilo sa stage: "Hindi ko na po talaga kinaya"

- Idinetalye ni Gigi De Lana ang nakunan ng video na pagkahilo niya umano habang nagpe-perform sa isang event sa Ilocos

- Aniya, hindi naman siya talagang hinimatay ngunit nakaramdam siya ng matinding hilo

- Tila late response umano ang kanyang katawan na kahit may clearance na sa ospital para mag-perform, hindi na niya kinaya

- Gayunpaman, sinabi niyang nagpapahinga at nagpapalakas pa rin sila ng kanyang mga kasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naidetalye ni Gigi De Lana ang umano'y totoong nangyari sa kanya na nakunan ng video ang paghinto niya sa pagkanta at bahagyang pagtumba habang nasa entablado.

Gigi De Lana, idinetalye ang pagkahilo sa stage: "Hindi ko na po talaga kinaya"
Gigi De Lana (Gigi De Lana and The Gigi Vibes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakapanayam siya nina Tintin at Julius Babao na agad siyang kinumusta ngayong nakabalik na sila ng kanyang mga kasama sa Maynila.

Bagama't tila maayos na ang lagay ni Gigi, aminadong nakararamdam pa rin siya ng sakit at pagkahilo.

Read also

MC, inaming nagbayad umano ng Php1 million na utang ng ex-BF kay Chad Kinis

"Marami pong bruises. More on sa left side po 'yung bruises ko. Tapos safe naman po lahat ng x-rays at saka yung CT scan wala naman pong na-detect na anything."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Buong left side po ng body ko maskit po talaga. Sobrang bugbog po siya. Saka nakahiga po kasi ako nung nangyari 'yung accident as in nakahiga po ako so tumilapon po ako doon sa upuan ng driver seat."

"Na-shock po ako e. Ang pinakamasakit po sa akin nun is yung ito po, yung braso, saka po yung ulo, yung left side. So naisipan ko po, lahat po kami na ituloy 'yung event for the people kasi passion din naman po namin ang mag-perform"

Aniya, bagama't may clearance na sila sa doctor para mag-perform, talagang hindi na niya kinaya pa ang pag-perform matapos ang aksidente.

Read also

Ogie Diaz, nakuha ang panig ni Teacher Georcelle bakit wala ang G-Force sa concert ni Sarah G

"Kasi 'di ba po pagkatapos ng accident, 'di mo naman mararamdaman agad lahat e. Parang late response 'hyung katawan mo. So 'nung nandun po ako sa stage, syempre yung ilaw, kakagaling lang sa accident so alam niyo po yung para kang magba-black out? 'Di naman po ako totally nahimatay, talaga pong nahilo na, naramdaman ko na lahat ng sakit. Tapos hindi ko na po ma-control 'yung boses ko. So parang hilo nalang po talaga ako, hindi ko na po talaga kinaya"

"Nagpa-dextrose po ako para 'di po ma-dehydrate kasi po hirap po talaga akong kumilos."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Gigi mula sa YouTube channel na Julius Babao Unplugged:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Read also

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay sa social media si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naikwento niya ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ina na mayroong stage 2 bréast cancer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel