MC, inaming nagbayad umano ng Php1 million na utang ng ex-BF kay Chad Kinis

MC, inaming nagbayad umano ng Php1 million na utang ng ex-BF kay Chad Kinis

- Naikwento ni MC Muah ang minsang nagawa niya para dating nakarelasyon

- Humiraw daw umano ito ng Php1 million kay Chad Kinis at nang nararamdaman niyang 'di ito makakabayad, siya na ang nagkusa

- Ayon kay Chad, wala umanong mintis ang pagbabayad ni MC Muah lalo na at dalawang buwan lang ang sinabi nito na panahon para maibalik niya

- Ngayon, tinatawanan na lang umano nila ang mga ganoong klaseng pangyayari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz, binalikan ni MC Muah ang pagkakataong siya ang nakapagbayad ng nahiram na pera ng kanyang nakarelasyon.

MC, inaming nagbayad umano ng Php1 million na utang ng ex-BF kay Chad Kinis
MC Muah, Lassy, Chad Kinis (Beks Battalion)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na Php1 million ang inabot ng nahirap ng ex ni MC sa kasama niya sa Beks Battalion na si Chad Kinis.

"'Yung nararamdaman ko parang ay, hindi siya makakabayad kay Chad. Kasi pinangako ko lang 2 months e. Hindi siya makakabayad, ako na nagbayad. Ako na nagbayad sa kanya, out of love," ayon kay MC na kinumpirma naman ni Chad gayung wala raw itong mintis sa pagbabayad.

Read also

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

"Kaya naise-share ko na kasi gusto ko nang pagtawanan nang pagtawanan. Hindi ko na dindibdib masyado. Minsan once in a while naiisip ko ba'yan naloko ako, naloko ako ng mga tao, hindi na yung ganun kasi nga hayaan mo magtatrabaho nalang ako ulit," giit pa ni MC.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At ang kagandahan umano nito, kinontak pa rin siya ng taong iyon at sinabing gagawan pa rin ng paraan na makabayad naman ito kay MC.

Mapapanood ang kabuuan ng pahayag sa Beks Battalion mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si MC Muah Calaquain ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at Chad Kinis. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake

Kamakailan, naglabas ng saloobin si Chad Kinis kaugnay sa pagkawala umano ng pera niya sa Gcash. Lumalabas na marami pala umanong nawalan ng pera sa araw na iyon na sinikap na aksyunan agad ng naturang online wallet. Naibalik naman ang naturang halaga na nawala kay Chad gayundin sa iba pa umanong nawalan ng malaki-laking halaga sa araw na iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel