Chad Kinis, nanawagan: "My Gcash just got hacked, inubos ang pera ko"

Chad Kinis, nanawagan: "My Gcash just got hacked, inubos ang pera ko"

- Naglabas ng saloobin si Chad Kinis sa umano'y pagkawala ng pera niya sa mobile wallet at online payment app na GCash

- Aniya, nawala ang pera niya nang wala manlang notification sa kanya para sa one-time password

- Isa kasi ito sa mga security measures ng app na sa kasamaang palad ay hindi gumana sa 'di malamang kadahilanan

- Sa comment section, makikitang hindi lang si Chad ang nabiktima at tila may kalakihang halaga ang nakukuha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ni Chad Kinis na umano'y nalimas ang laman ng kanyang Gcash account.

Chad Kinis, nanawagan: "My Gcash just got hacked, inubos ang pera ko"
Chad Kinis
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na labis na nagtaka si Chad sa pangyayaring ito gayung sa pag-aakala niya'y secured ang account niya sa nasabing mobile wallet at online payment app.

Read also

Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage

Nagulat siya na nalimas na lamang ang laman nito gayung wala siyang security alert na natanggap tulad ng paglalagay ng one-time password bago ipagpatuloy ang gagawing transaksyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Omg!!!! My gcash just got hacked!!!!! Inubos ang pera ko! Wala man lang alert or OTP na lumabas sa number ko from gcash na it was logged in sa ibang account! Help GCash paano nila nagawa yun eh suoer secured ang gcash ko."

Sa comment section ng post ni Chad, kapansin-pansin ang komento ng ilang netizens din ang nakaranas ng ganitong aberya at abala kay Chad.

"Ako Po kanina morning nawalan ako Ng 68k sa gcash ko"

"Madami po tayong nahacked! Chad Kinis"

"Ganyan din gcash ko. Maiyak-iyak ako kc ung pera nid anak ko un pang tuittion at pangbayad nmin kuryente"

Read also

Bobby Ray Parks Jr., nagbahagi na ng video nila ni Zeinab Harake

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Kasalukuyan na silang mayroong 1.97 million subscribers.

Kilala rin si Chad sa kabutihan ng kanyang puso namakatulong sa mga taong nangangailangan.

Katunayan, naibahagi ni Ogie Diaz na isa umano si Chad sa mga consistent na nagbibigay ng tulong sa kanilang Dugong Alay, Dugtong buhay at iba pang foundation.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel