Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage

Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage

- Kinaaliwan si Angeline Quinto sa isang video kung saan makikitang kasama niya sina Jed Madela at Klarisse de Guzman

- Ito ay kuha sa isang bahagi ng "ASAP Natin 'to" performance niya nitong nakaraang Linggo

- Sa naturang video ay makikitang pumunta si Angeline sa likuran ni Jed ngunit hindi na ito huminto at agad ding nag-exit

- Agad itong umani ng mga komento mula sa mga netizens na naaliw sa tila blooper ni Angeline

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Angeline Quinto sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP Natin 'To stage. Sa naturang video ay makikitang pumunta si Angeline sa likuran ni Jed ngunit hindi na ito huminto at agad ding nag-exit.

Angeline Quinto, kinaaiwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage
Angeline Quinto, kinaaiwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Base sa video, si Jed Madela ang nakatakdang kumanta ng kanyang bersyon ng awiting "Kastilyong Buhangin." Wala namang makitang kakaibang reaksiyon kay Angeline kundi naglakad na lang ito papalabas ng entablado matapos niyang pumagitna.

Read also

Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano

Agad itong umani ng mga komento mula sa mga netizens na naaliw sa tila blooper ni Angeline. Narito ang ilang komento:

Hahahhahah! Pinanood ko sa tv YouTube, tas nahalata ko si ate Angge, hahaha bakit rumampa ang ante. Apaka cute lang. Patunay na di lahat ng palabas perpekto. The show must go on. Galing galing ate Klarisse.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May lakad si ate Angie wag kayong ano Jan.
Napansin ko ang pagsabay ni klang kay jed then pagrampage ni angge. Baka tinanggal nga ang dapat sanay sabayan nilang pagkanta kasi derecho kay jed na.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Maricel Soriano, muling nakasama ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel