Angeline Quinto, nagkunwaring nahimatay para ma-prank si Isko Moreno

Angeline Quinto, nagkunwaring nahimatay para ma-prank si Isko Moreno

- Binahagi ni Angeline Quinto ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila CMayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show

- Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam

- Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya

- Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakaligtas si dating Manila Mayor Isko Moreno sa prank ni Angeline Quinto nang mag-guest ito sa show ni Yorme. Aminado si Yorme na nataranta siya nang makitang hinimatay si Angge.

Angeline Quinto, nagkunwaring nahimatay para ma-prank si Isko Moreno
Angeline Quinto, nagkunwaring nahimatay para ma-prank si Isko Moreno (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Para mas kapani-paniwala, bago pa man magsimula ang panayam ni Isko sa kanya ay pinakitaq na ni Angeline maging sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam.

Read also

Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagat siya ng aso

Agad naman umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone para maproteksiyonan si Angge nang matumba ito.

Ani Yorme masaya siyang prank lang ang lahat dahil nag-alala siya nang husto para kay Angeline.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Ayon kay Angeline, selosa talaga siya at inamin niyang siya ang madalas magselos sa relasyon nila ng boyfriend na si Nonrev. Sa kanyang YouTube video ay kumasa sila sa "Who's most likely challenge." Aniya, parang napagseselosan niya lahat hindi lang sa relasyon kundi maging sa kanyang mga kaibigan. Inamin niya rin na sensitive siya at natatamaan umano siya pag naririnig niya ang balat sibuyas.

Read also

Bea Alonzo, diretsang nasabi na 'di niya kayang makipagkaibigan kay Gerald Anderson

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel