Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagat siya ng aso

Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagat siya ng aso

- Hindi pinalampas ni Jelai Andres ang pagkakataon na mabisita ang dog pound sa Iloilo nang magpunta sila ni Buboy Villar doon para magperform sa Dinagyang Festival

- Bilang isa sa mga kilalang personalidad na mapagmahal sa mga aso kabilang na sa mga Aspin, nagbigay si Jelai ng dog supplies na nagkakahalaga ng P100,000

- Habang nagpapakain ng mga aso ay naisipan niyang i-prank ang kaibigang si Buboy na kunwari ay nakagat siya ng aso

- Hindi naman maitago ni Buboy ang pag-aalala at nataranta ito nang marinig ang pagsigaw ni Jelai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jelai Andres ang pagpunta nila ni Buboy Villar sa isang dog pound sa Iloilo nang ma-imbitahan sila doon para mag-perform. Habang nagpapakain ng mga aso ay naisipan niyang i-prank ang kaibigang si Buboy na kunwari ay nakagat siya ng aso.

Read also

Cristy, naalarma nang gawing biruan sa concert ni Toni ang cake issue ni Alex

Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagal siya ng aso
Buboy Villar, nataranta sa prank ni Jelai Andres kung saan sinabi nito na nakagal siya ng aso (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Agad na tumakbo si Buboy sa kaibigan nang marinig niya itong sumigaw. Lingid sa kaalaman niya ay may ketchup na nilagay si Jelai sa kanyang kamay para magmukhang makatotohanan ang prank niya. Hindi naman maitago ni Buboy ang pag-aalala at nataranta ito nang marinig ang pagsigaw ni Jelai.

Tila nabunutan naman ito ng tinik nang malamang hindi totoong nakagat ng aso si Jelai.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel