Jelai Andres, nahimatay habang sumasakay sa isang ride sa amusement park

Jelai Andres, nahimatay habang sumasakay sa isang ride sa amusement park

- Isa sa naging highlight ng bagong vlog episode ni Jelai Andres ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park

- Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy

- Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride

Sapul sa camera ni Buboy Villar ang pagkawala ng malay ni Jelai Andres habang nakasakay sila sa isang drop tower ride sa amusement park. Ginawa nila ni Buboy ang No Reaction Challenge habang nakasakay sa ilang extreme rides.

Jelai Andres, nahimatay habang sumasakay sa isang ride sa amusement park
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Moi Bien Marcampo, muling binida ang kanilang pictures ni Piolo Pascual

Sa naturang challenge, kailangan nilang itago ang kanilang emosyon at reaksiyon. Makikita din sa video na nahimasmasan din kaagad si Jelai nang matapos ang oras nila sa drop tower ride.

Agad namang inalalayan ng mga kasamahan niya si Jelai na nanginginig pa nang bumaba. Sumakay din sila sa pendulum ride na kilala sa tawag na Anchor's Away.

Sa dami ng mga naaliw sa video na ito na binahagi ni Jelai, nasa trending list ito ng YouTube. Umabot ito sa top 7 sa mga trending videos.

Narito ang ilan sa komento ng mga viewers:

The best yang EKstreme ride HAHAHAA hanggang ngayon di ko pa nasusundo yung naiwan kong kaluluwa dyan ate Jelai
Kulang yung 18 mins. Pag kayong dalawa ni buboy mag kasama Lt lagi
Kakabitin yung video nyo hahaha dapat mga 1hr hahaha di kasi kayo nakakainip o nakakabagot panoorin

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel