Maricel Soriano, muling nakasama ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano

Maricel Soriano, muling nakasama ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano

- Si Edu Manzano ang nakasama ni Maricel Soriano sa kanyang pinakabagong vlog

- Magkasama silang kumakain habang nag-uusap tungkol sa kanilang kasalukuyang buhay

- Napag-usapan din nila ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang nakaraan

- Tawang-tawa naman si Maricel sa mga biro at hirit ni Edu at aniya ay ito ang kanyang vlog na puro siya tawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama ni Maricel Soriano ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano sa kanyang pinakabagong vlog. Agad na napasama sa trending videos sa YouTube ang vlog niyang ito.

Maricel Soriano, muling nakasama ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano
Maricel Soriano, muling nakasama ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Number 9 trending ito matapos lamang ang isang araw mula nang ibahagi ito sa YouTube. Habang magkaharap na kumakain ay binalikan nila ang ilang bagay tungkol sa kanila.

Kabilang sa naitanong ni Maricel kay Edu ay kung may pinagselosan itong nakapareha niya dati. Ayon naman kay Edu ay wala dahil hindi naman siya binigyan noon ng rason para magselos. Hirit pa niya, alam niyang matatakot sa kanya kahit ang riding in tandem.

Read also

Pokwang, nagbabalak na ibenta ang kanilang beach house sa Bataan

Tawang-tawa naman si Maricel sa mga biro at hirit ni Edu at aniya ay ito ang kanyang vlog na puro siya tawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan Darating ang Umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel