Bobby Ray Parks Jr., nagbahagi na ng video nila ni Zeinab Harake

Bobby Ray Parks Jr., nagbahagi na ng video nila ni Zeinab Harake

- Nagbahagi na mismo si Bobby Ray Parks Jr. ng video nila na magkasama ni Zeinab Harake

- Makikita sa video na siya mismo ang umaalalay kay Zeinab sa pag-aayos nito ng buhok

- Matatandaang kamakailan ay nilahad ni Xian Gaza ang tungkol kina Bobby ay Zeinab

- Nagawa pa ni Xian na ipagtanggol 'di umano si Zeinab sa mga agad na bumabatikos sa kanyang buhay pag-ibig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi na ng video si Bobby Ray Parks Jr. na kasama niya si Zeinab Harake.

Bobby Ray Parks Jr., nagbahagi na ng video nila ni Zeinab Harake
Bobby Ray Parks Jr. and Zeinab Harake (@ray1parks)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ilang araw lamang matapos ang pagtatanggol ni Xian Gaza kay Zeinab sa mga bashers nito.

Sa post ni Xian, nakiusap pa siya sa publiko na irespeto ang pagliligawan umano nina Bobby at Zeinab lalo na at hindi umano sanay sa ingay ng publiko ang Filipino-American professional basketball player.

Read also

Angeline Quinto, kinaaliwan sa kanyang "napadaan lang" moment sa ASAP stage

Samantala, sa video na ibinahagi ni Bobby, makikitang inaalalayan niya si Zeinab sa pag-aayos nito ng buhok at sinabing "Buti na lang ako 'yung nanliligaw. no? Ikaw 'yung walang patience e"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasama rin sa naturang video ang picture na kasama niya si Zeinab at may caption ang naturang post na "new line of work."

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs na madalas magpakita ng pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Sa kasagsagan ng pandemya, isa si Zeinab sa mga content creator na nagbahagi ng biyaya sa mga kababayang labis na naapektuhan.

Read also

MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano

Muli na namang gumagawa ng ingay ang pangalan ni Zeinab kamakailan dahil sa umano'y manliligaw nito na si Bobby Ray Parks Jr.

Sinasabing isiniwalat ito ni MG na agad namang nilinaw ni Xian Gaza sa pamamagitan ng kanyang post. Ibinahagi rin ni Xian ang mga larawan nina Bobby at Zeinab na magkasama.

Kwento pa ni Xian, nagkita-kita umano sila sa Japan noong Abril kung saan kuha umano ang mga naibahaging pictures.

Ipinagtanggol din ni Xian si Zeinab sa mga akusasyon ng netizens at nilinaw na single at wala umanong asawa ang bagong manliligaw nitong si Bobby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel