MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano

MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano

- Nasampolan ng sikat na sampal ni Maricel Soriano ang It's Showtime hosts na sina MC at Lassy sa guesting ni Maricel Soriano sa It's Showtime

- Sa kanilang pagharap sa Madlang Pipol para sa pelikula ni Maricel na "In His Mother's" Eyes" naka-eksena nila ang Diamond Star

- Muli ay hinangaan ang walang kupas na husay ng Diamond star pagdating sa pag-acting

- Kinantiyawan nila si Kim ngunit tila naawa na si Maricel kay Kim dahil maraming beses niya na itong nasampal sa Linlang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Maricel Soriano ang kabilang sa naging guest sa It's Showtime kamakailan para mag-promote ng pelikula ni Maricel na "In His Mother's Eyes." Dito ay nasampolan ni Maricel sina MC at Lassy ng sampal.

MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano
MC at Lassy, nasampolan ng sampal ni Maricel Soriano(@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Sa naturang episode ay tila umiwas na si Maricel na sampolan si Kim Chiu na nakasama niya sa Linlang at ilang beses ding nakatikim ng sampal mula sa Diamond star.

Read also

Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez

Biro pa ni Vice Ganda, matatanggal daw ang black heads sa mukha ni MC sa sampal ni Maricel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan Darating ang Umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel