Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez

Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez

- Ayon kay Vice Ganda, malaking bahagi ng pag-iibigan nila ni Ion Perez si Aga Muhlach na siyang guest nila sa "GGV" noong una silang nagkakilala

- Ayon pa kay Aga, nakita niya ang attraction sa dalawa sa kanilang pagtitinginan noong episode na iyon

- Sa bagong vlog ni Vice Ganda ay nagbahagi si Ion Perez ng mensahe kay Aga dahil hindi siya nakasama sa vlog

- Ani Ion, kung ikakasal daw sila uli ni Vice ganda ay kukunin nilang ninong si Aga

Muling inalala ni Vice Ganda ang unang araw na nagkakilala sila ni Ion Perez sa isang episode ng GGV kung saan isa si Ion sa mga nasa audience. Si Aga Muhlach ang guest ni Vice Ganda noong episode na iyon.

Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez
Vice Ganda, inalala ang GGV episode na si Aga ang guest at nagkakilala sila ni Ion Perez
Source: Youtube

Kaya naman, para sa kanilang dalawa ay hinding-hindi nila makakalimutan si Aga dahil naging daan din ito sa kanilang unang pagkakilala. Kwento ni Vice, nang muli silang magkita ni Ion sa It's Showtime ay nagpakilala ito at pinaalala niya ang kanilang unang paghaharap sa GGV.

Read also

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

Ani Ion, kung ikakasal daw sila uli ni Vice Ganda ay kukunin nilang ninong si Aga.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel