Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

- Ayon kay Aga Muhlach, maswerte siya na nakakatrabao niya pa rin ang mga batang artista kagaya ni Julia Barretto

- Sa vlog ni Vice Ganda, naibahagi ni Aga na bukod kay Claudine at Gretchen Barretto, nakatambal niya din pala si Marjorie Barretto na nanay ni Julia

- Kwento pa ni Aga, nakaramdam daw ng pressure si Julia dahil paborito daw nito ang pelikula nina Aga at Claudine

- Gayunpaan, puring-puri ni Aga ang husay ni Julia pagdating sa pag-arte at pinadali daw ni Julia ang trabaho niya

Naibahagi ni Aga Muhlach na apat na Barretto na pala ang kanyang naging leading lady. Sa vlog ni Vice Ganda, nabanggit ni Aga na bukod kay Claudine at Gretchen Barretto, nakatambal niya din pala si Marjorie Barretto na nanay ni Julia.

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula
Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula
Source: Youtube

Nang matanong naman sa bagong pelikula nila ni Julia, nakwento ni Aga na ayon kay Julia ay nakaramdam daw ito ng pressure dahil ang pelikula nina Claudine at Aga ay paborito daw ni Julia.

Read also

Ryzza Mae Dizon, may pabirong hirit kay Aga Muhlach: “Please pick me as your daughter-in-law"

Ani Aga, naging madali ang trabaho niya dahil kay Julia. Puring-puri niya ang husay ni Julia sa kanilang trabaho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Aga Muhlach o Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay ay isang kilalang batikang aktor sa Pilipinas. Siya ay binansagang "King of Romance-Drama" at the Philippines' Original Hearthrob. Kabilang sa mga paggawad sa kanya ay mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award.

Matatandaang sina Aga at Charlene ang guests ni Karen Davila sa kanyang video sa kanyang YouTube channel. Naitanong ni Karen sa kanila kung ano ang sekreto nila sa kanilang 22 years na mag-asawa pero para silang mag-girlfriend at magboyfriend pa rin. Kahit palagi silang magkasama ay tila hindi daw sila nauubusan ng mapag-uusapan. Best friend nila ang isa't-isa at parehas nilang pangarap na magkaroon ng buong pamilya dahil mula sila sa broken family.

Binati nina Aga at kanilang dalawang anak si Charlene Gonzales sa kaarawan nito kamakailan. Ibinahagi din ni Aga ang kanilang family picture sa kanyang greeting. Inilarawan niya bilang isang queen and aniya'y "anchor" ng kanilang pamilya ang kanyang asawa. Hindi din niya kinalimutang ihayag ang kanyang pagmamahal sa para sa kanyang asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel