Aga Muhlach sa 22 years of marriage nila ni Charlene Gonzales: "Walang sawa"

Aga Muhlach sa 22 years of marriage nila ni Charlene Gonzales: "Walang sawa"

- Sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang guests ni Karen Davila sa kanyang pinakabagong video sa kanyang YouTube channel

- Naitanong ni Karen sa kanila kung ano ang sekreto nila sa kanilang 22 years na mag-asawa pero para silang mag-girlfriend at magboyfriend pa rin

- Kahit palagi silang magkasama ay tila hindi daw sila nauubusan ng mapag-uusapan

- Best friend nila ang isa't-isa at parehas nilang pangarap na magkaroon ng buong pamilya dahil mula sila sa broken family

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Aga Muhlach, sa kabila ng tagal ng pagsasama nila ni Charlene Gonzales ay walang sawa sila na makasama ang isa't-isa. Sa panayam ni Karen Davila sa kanila ay muling naibahagi ng mag-asawa ang kwento kung paano sila nagkatuluyan.

Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa kanilang 22 years of marriage: "Walang sawa"
Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa kanilang 22 years of marriage: "Walang sawa" (Karen Davila)
Source: Youtube

Kwento ni Aga, bigla na lang niyang naisip na si Charlene ang kanyang asawa. Mayroon daw siyang sign na hiningi at kinilabutan siya nang mangyari iyon kaya kahit hindi sila magkasintahan ay buong tapang siyang nag-propose kay Charlene.

Read also

Melai Cantiveros, napabilib sa kanyang mga anak na nagtutulungang mag-aral

Maging ang mga kaibigan nila ay nagulat nang sabihin niyang magpapakasal sila dahil hindi naman sila magkarelasyon.

Matapos nilang ma-engaged ay saka lamang sila nag-date at kinalaunan ay pinagplanuhan na nila ang kanilang kasal.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ariel Aquino Muhlach o mas kilala bilang si Aga Muhlach ay isang kilalang batikang aktor sa Pilipinas. Siya ay binansagang "King of Romance-Drama" at the Philippines' Original Hearthrob. Kabilang sa mga paggawad sa kanya ay mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at AMAS Award.

Kamakailan ay marami ang bumilib sa anak nila Aga at Charlene na si Atasha Muhlach. Sa isang panayam ng Preview, marami ang bumilib sa husay nito sa pagsagot sa mga katanungang ibinato sa kanya. Naitanong din sa kanya kung may balak daw ba siyang sumali sa beauty pageant. Umani ng mahigit 1 million views ang naturang video kahit ilang araw pa lang ito naipost.

Read also

Pokwang, nag-post tungkol sa pa-victim na ama na umaastang pinagbabawalang makita ang anak

Binati nina Aga at kanilang dalawang anak si Charlene Gonzales sa kaarawan nito kamakailan. Ibinahagi ni Aga ang kanilang family picture sa kanyang pagbati. Inilarawan niya bilang queen and anchor ng kanilang pamilya si Charlene. Hindi din niya kinaligtaang ihayag ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel