Ryzza Mae Dizon, may pabirong hirit kay Aga Muhlach: “Please pick me as your daughter-in-law"

Ryzza Mae Dizon, may pabirong hirit kay Aga Muhlach: “Please pick me as your daughter-in-law"

- Kinaaliwan ang mga hirit ni Ryzza Mae Dizon kay Aga Muhlach nang mag-guest ito sa "Eat Bulaga" para maglaro sa segment ng Peraphy

- Hirit ni Ryzza, siya daw piliin ni Aga bilang daughter-in-law niya at pabiro din siyang tinawag ng kasamahan bilang si Ryzza Mae Muhlach

- Pagbibiro naman ni Aga, napapanaginipan daw ng anak na si Andres si Ryzza

- Natanong din ng mga hosts kung ano ang height ni Andres at sinabi ni Aga na 6'2 daw at nang tanungin naman si Ryzza, 2 lang daw ang height niya

Marami ang naaliw kay Ryzza Mae Dizon sa biro nito kay Aga Muhlach nang mag-guest ito sa Eat Bulaga. Hirit niya siya daw ang piliin ni Aga bilang daughter-in-law.

Ryzza Mae Dizon, may pabirong hirit kay Aga Muhlach: “Please pick me as your daughter-in-law.”
Ryzza Mae Dizon, may pabirong hirit kay Aga Muhlach: “Please pick me as your daughter-in-law.”
Source: Youtube

Naglaro si Aga sa segment na Peraphy kung saan kailangan niyang mamili mula kina Atasha, Carren, Miles at Ryzza.

Read also

Aga Muhlach, apat na Barretto ang naging leading lady sa pelikula

Pabiro pang tinawag si Ryzza bilang si Ryzza Mae Muhlach. Pagbibiro naman ni Aga, napapanaginipan daw ng anak na si Andres si Ryzza.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Muling pinanood ni Ryzza Mae kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star. Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay. Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show.

Masayang ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang house update sa pinapagawa niyang bahay. Kung sa mga naunang vlog episode niya ay inisa-isa niya ang mga bahagi ng kanilang bahay na unti-unting naayos, sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang kabuuan ng natapos na sa kanilang bahay. Aniya, 90 porsyento na ng kanyang bahay ang natapos kaya isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong tumulong upang magawa ang kanyang bahay. Marami sa mga netizens ang natuwa at na-inspire kay Ryzza dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel