Ryzza Mae Dizon at mama niya, naiyak nang muling panoorin ang lumang mga videos niya

Ryzza Mae Dizon at mama niya, naiyak nang muling panoorin ang lumang mga videos niya

- Muling pinanood ni Ryzza Mae Dizon kasama ang kanyang mama ang ilang videos ng dating child star

- Kabilang sa pinanood nila ang pagkapanalo ni Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga

- Hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang ina at maging si Ryzza Mae habang binabalikan ang tagpong nagbago sa kanilang buhay

- Pinanood din nila ang ilan sa mga viral na video na kuha sa talk show na The Ryzza Mae Show

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Parehas na naiyak si Ryzza Mae at ang kanyang ina matapos nilang panoorin ang video kung saan unang sumikat ang dating child star.

Ito ay noong manalo si Ryzza Mae sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! kung saan kinalaunan ay naging host na rin siya.

Ryzza Mae Dizon at mama niya, naiyak nang muling panoorin ang lumang mga videos niya
Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Morissette Amon, sinorpresa ng online sensation na si Teacher Dan

Ayon sa ina ni Ryzza, hindi niya mapigilang maiyak dahil hindi niya inakalang mananalo noon si Ryzza at tuluyang magbabago ang kanilang buhay.

Pinanood din nila ang mga nag-viral na mga video na kuha sa The Ryzza Mae Show kung saan nagpamalas si Ryzza Mae ng kanyang husay sa pag-host sa kanyang murang edad pa lamang matapos niyang manalo sa Little Miss Philippines.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos nga ang pandemya, bilang isang menor de edad, naapektuhan ang trabaho para kay Ryzza. Gayunpaman, sa pamamagitan ng social media ay updated ang kanyang mga tagasuporta sa pangyayari sa kanyang buhay.

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

Kamakailan ay naging usap-usapan ang video ni Ruzza nang maiyak ito habang nanonood ng Hello Love, Goodbye.

Ibinahagi niya rin ang isang house tour para ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang naipundar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel