Ogie sa umano'y mga patutsada ni Rendon: "'Hihina ang bentahan ng motivational rice"

Ogie sa umano'y mga patutsada ni Rendon: "'Hihina ang bentahan ng motivational rice"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kay Rendon Labador ukol sa ilang kinasangkutan nitong isyu kamakailan

- Kamakaila'y nasabihan umano nito ng laos si Michael V na sinundan naman niya ng komento sa naging kontrobersyal na pahayag ni Slater Young

- Maging si Ben Tulfo ay nakapalitan ni Rendon ng pahayag sa pagsasabi nitong 'di raw umano siya pumapatol sa matatanda

- Ani Ogie, kung panay ganito ang ginagawa nito Rendon hihina ang bentahan ng 'motivational rice' nito sa kanyang binuksang restobar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa bagong episode nila ng Showbiz Update ay ang tungkol umano sa mga kinasangkutang isyu ng motivational speaker na si Rendon Labador.

Ogie kay Rendon: "'Pag siya ay ganito nang ganito, hihina ang bentahan ng motivational rice"
Rendon Labador (@rendonlabadorfitness)
Source: Facebook

Matatandaang nagkomento ito kamamakailan kay Michael V kung saan nasabi umano nitong laos na ang komedyante na inalmahan ng marami.

Read also

Cristy sa umano'y gamot ni Kris: "Kunwari sumakit ulo mo, iinumin mo ba sa sakit ng tiyan?"

Sinundan naman ito ng lumabas na pahayag 'di umano ni Ben Tulfo na kalauna'y lumabas na fake news. Subalit nagbigay komento pa rin si Rendon ukol dito at sinabing buti nalang at hindi ito totoong sinabi ni Ben gayung hindi siya pumapatol sa matanda.

Dito nagsimula na ring magpakawala ng mga pahayag si Ben bilang pagtatanggol din kay Michael V na kasama niya umano sa mainstream media at bilang patutsada na rin 'di umano kay Rendon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At ang pinakahuli nga ay ang komento niya sa kontrobersyal na pahayag ni Slater Young tungkol sa mga babae.

Dahil sa mga ito, sinabi ni Ogie Diaz na maaring makaapekto ang mga ito sa Negosyong bar and Kitchen ni Rendon.

"Kapag siya ay ganito ng ganito, hihina ang bentahan ng motivational rice"

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Subalit ipinaliwanag din ni Ogie ang posibleng dahilan bakit nagagawa ito ni Rendon.

"Sa karamihan ng mga influencers, mas gusto nila na pinapatulan sila. Mas gusto nila na pinag-uusapan sila. Kahit ito'y bashing pa. Gusto nila 'yan kasi nga, dun sila nakilala e."
"Kaya kaya nila i-take kahit i-bash sila nang i-bash ng tao ang dating sa kanila, o relevant ako ngayon kasi bina-bash ako."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel