Cristy sa umano'y gamot ni Kris: "Kunwari sumakit ulo mo, iinumin mo ba sa sakit ng tiyan?"

Cristy sa umano'y gamot ni Kris: "Kunwari sumakit ulo mo, iinumin mo ba sa sakit ng tiyan?"

- Natakalakay ni Cristy Fermin ang tungkol umano sa gamot na iniinom ngayon ni Kris Aquinp

- Mismong si Kris ang nagbahagi isa sa mga ginagamot umano ng kanyang iniinom ay ang cancer

- Kaya naman hindi naiwasang magtka umano ni Cristy kung isang uri nga ba ng cancer ang sakit ni Kris

- Gayunpaman, tulad ng hiling ng marami, dasal nina Cristy na patuloy na ang paggaling ni Kris na tila bumubuti na ang Kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ang kalagayan na ngayon ni Kris Aquino.

Cristy sa umano'y gamot ni Kris: "Kunwari sumakit ulo mo, iinumin mo ba sa sakit ng tiyan?"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging si Cristy ay napatanong kung bakit pang-cancer ang iniinom na gamot ni Kris kung hindi naman isang uri nito ang kanyang karamdaman.

Read also

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

"Bakit ka iinom ng isang gamot na para sa isang tinutumbok na sakit kung hindi yun ang nangyayari sa'yo"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilarawan niya ito na parang isang tao na may ubo subalit para sa sakit sa tiyan ang iniinom na gamot.

"Mukha yatang pinigilan siyang magkwento," ayon kay Cristy patungkol kay Kris na hindi pinahintulutan umano ng doktor nito na ipagbigay alam ang kanyang karamdaman.

Gayunpaman, tulad ng hiling ng marami, dasal din umano nina Cristy ang mabilisang paggaling na ni Kris lalo na at makikita naman umano ang improvement sa kalagayan nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang mga pahayag mula sa YouTube channel niya na Showbiz Now Na!:

Si Kris Aquino ay nakilala bilang isang aktres at TV host sa bansa bukod sa pagiging anak ng namayapang pangulong Corazon Aquino at kapatid namang ng isa ring naging pangulo ng bansa na si Ninoy Aquino.

Read also

Cristy, 'di raw umano si Sarah G ang dahilan bakit wala ang G-Force sa concert nito

Matatandaang sa isang episode ng YouTube channel na Showbiz Now na! masayang ibinalita ni Cristy Fermin ang tungkol sa pagsadya ni Kris Aquino kay Dr. Suhir Gupta na isa umanong kilalang doktor gayung mga sikat at prominenteng tao sa buong mundo ang kumukunsulta sa kanya.

Ito ay dahil subok na umano ang husay at galing nito na siyang inaasahang makakatulong sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Sa ngayon, nasa Amerika pa rin ang tinaguriang 'Queen of all media' at dahil sa pagtuklas umano ng sakit nito dahil kay Dr. Gupta, umaasa umano ang marami na makababalik ito sa bansa ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel