Kris Aquino, mas bumubuti ang lagay dahil sa mag-amang Indian doctors ani Cristy Fermin

Kris Aquino, mas bumubuti ang lagay dahil sa mag-amang Indian doctors ani Cristy Fermin

- Mas bumubuti pa lalo umano ang lagay ni Kris Aquino ayon sa source ni Cristy Fermin

- Malaki umano ang ibinaba ng allergy level nito na mula 32,000 ay naging 8,000 na lamang

- Ito ay dahil sa natuklasan na umano ng mag-amang Indian doctors ang karamdaman ni Kris

- Masaya sina Cristy na marami ang natuwa sa magandang balita na kanilang naihatid ukol sa 'Queen of all media'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Patuloy na ang pagbuti ng lagay ni Kris Aquino matapos na matumbok ng Indiano doctor na si Dr. Suhir Gupta ang karamdaman ng 'Queen of all Media.'

Kris Aquino, mas bumubuti ang lagay dahil sa mag-amang Indian doctors ani Cristy Fermin
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may bago na umanong update si Cristy Fermintungkol kay Kris mula sa kanyang reliable source.

"Ang kanya pong allergy level ay 32,000. Pero ngayon na siya'y nagpa-under na kay Dr. Gupta, bumaba na po ng napakalaking puntos. 8000 na lang."

Read also

Cristy, dinipensahan si Barbie Forteza: "Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho"

"32,000 to 8,000 at pababa pa ng pababa ngayon dahil talagang tinututukan siya ng mag-amang immunologist," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naikwento rin nito na marami talaga ang natuwa sa una nilang naiulat na natuklasan na umano nina Dr. Suhir Gupta ang karamdaman ni Kris kaya naman nalalapatan na ito ng mas tamang gamot at lunas.

Matatandaang naibahagi rin ni Cristy na marami na umanong gumaling sa pagkonsulta at pangangalaga ni Dr. Gupta lalong-lalo na ang mga kilala at prominenteng tao sa buong mundo.

Kaya naman inaasahan nila na sa lalong madaling panahon ay gagaling si Kris at makababalik na rin ito sa bansa.

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang namamayagpag sa kanyang mga YouTube channel na Cristy Ferminute at Showbiz Now Na!

Read also

Cristy, sinabing natumbok na umano ang sakit ni Kris dahil sa sikat na sikat na Indian doctor

Sa naunang mga episode ng Showbiz Now na! masayang ibinalita ni Cristy ang tungkol sa pagsadya ni Kris Aquino kay Dr. Suhir Gupta na isa umanong kilalang doktor gayung mga sikat at prominenteng tao sa buong mundo ang kumukunsulta sa kanya. Ito ay dahil subok na umano ang husay at galing nito na siyang inaasahang makakatulong sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Sa ngayon, nasa Amerika pa rin ang tinaguriang 'Queen of all media' at dahil sa pagtuklas umano ng sakit nito dahil kay Dr. Gupta, umaasa umano ang marami na makababalik ito sa bansa ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel