Cristy, dinipensahan si Barbie Forteza: "Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho"

Cristy, dinipensahan si Barbie Forteza: "Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Barbie Forteza sa ilang 'di magandang komento ng netizens sa aktres

- Ito ay kaugnay umano ng love team ni Barbie sa Maria Clara at Ibarra kung saan kapareha niya si David Licauco

- Ani Cristy, ginagampanan lang ni Barbie ang karakter na ini-atang sa kanya at mahusay naman niya itong nagagawa

- Matatandaang going strong pa rin ang relasyon ni Barbie sa boyfriend nitong si Jak Roberto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Barbie Forteza sa mga umano'y nagsasabing 'flirt' ito sa kaparehang si David Licauco.

Cristy, dinipensahan si Barbie Forteza: "Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho"
David Licauco and Barbie Forteza (David Licauco)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umaalma umano ang ilang netizens gayung si Barbie ay girlfriend ng isa ring Kapuso actor na si Jak Roberto.

Subalit, hindi raw papayag si Cristy na mabansagan ng flirt si Barbie na maayos na nanagampanan ang karakter sa natapos na teleseryeng 'Maria Clara at Ibarra.'

Read also

Cristy sa umano'y 'road to GMA' nina James at Liza: "Di maganda ang puhunan mo ay ka-negahan"

"Alam mo, hindi naman ako payag na pangalan si Baribie ng malandi. OA naman 'yun. Ginagawa lang po niya ang kanyang trabaho bilang artista. Pinagpa-partner po sila ng GMA 7 sa mga proyekto dahil nararamdaman din naman ng network na malakas 'yung tambalan," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero hindi po 'yun pagiging flirt. Lalo na 'nung sabihin ni Barbie na hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Jak ang pagse-settle down. Trabaho po 'yan. Hindi natin dapat pini-personal ang mga artista. Kung ano po ang nakatoka na role para sa kanila, ginagawa nila," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Read also

Cristy, sinabing natumbok na umano ang sakit ni Kris dahil sa sikat na sikat na Indian doctor

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! masayang ibinalita ni Cristy na isang sikat na mahusay na Indian doctor ang umano'y nakatuklas ng sakit ni Kris Aquino. Kaya naman sa ngayon, patuloy pa rin ang gamutan nito at tuluyang pagpapagaling.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel