Cristy sa isyu nina Liza at James na umano'y road to GMA: "Di magandang puhunan"

Cristy sa isyu nina Liza at James na umano'y road to GMA: "Di magandang puhunan"

- Napa-react si Cristy Fermin sa napapabalitang 'road to GMA' umano at kontrobersiya nina James Reid at Liza Soberano

- Napag-uusapan daw ito ng mga kaibigan ni Romel Chika at nauulinigan nila ang umano'y paglipat ng dalawa sa GMA

- Inalmahan naman ito ni Crity gayung hindi raw dapat "nega" (negative) ang baunin nitong impresyon sakaling totoo ang napababalita

- Matatandaang unang gumawa ng ingay kamakailan si Liza sa kanyang mga rebelasyon ukol sa career na sinundan naman ni James sa kanya umanong love life

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Cristy Fermin ang nababalitang 'road to GMA' umano ang publicity na ginawa 'di umano nina Liza Soberano at James Reid kamakailan.

Cristy sa umano'y 'road to GMA' nina James at Liza: "Di maganda ang puhunan mo ay ka-negahan"
James Reid and Liza Soberano (@carelessph)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na si Romel Chika ng Showbiz Now Na! ang nakahagip ng usap-usapang ito mula sa kanyang mga kaibigan.

Read also

Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"

"Kaming magkakaibigan, nag-uusap usap. may nagtext sa'kin na may nauulinigan daw na ito daw kina James at Liza e road to GMA pala daw ito," ani Romel.

Inalmahan ito ni Cristy na sana'y hindi umano "nega" (negativity) ang baon ng dalawa sakaling totoong pinaplano nitong mangibang istasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero kung papasok man sila sa anumang pintuan, Hindi maganda na ang puhunan mo ay ka-negahan. Wala pa ring pinakamaganda kundi positibong kwento," giit pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Read also

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Sa ngayon, nakalipad na muli si Liza sa Amerika. Ito ay matapos ang naging interview sa kanya ni Boy Abunda. Habang noong Pebrero 21 pa naman naganap ang interview ni Bea Alonzo kay Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel