Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

- May mga mensahe si Cristy Fermin sa bagong management ni Liza Soberano

- Aniya, maganda na sana ang rebranding ng aktres subalit nag-iwan pa umano ito ng kasiraan sa mga dating nag-manage sa kanya

- Pinayuhan pa ni Cristy ang 'Careless' na gumawa umano ng ibang diskarte upang mapag-usapan ang kanilang alaga

- Sinabihan din niya ang mga ito na mag-usap usap gayung tila hindi umano nagkakatugma ang kanilang mga sinasabi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May mensahe si Cristy Fermin sa 'Careless' na siyang nagma-manage ngayon ng career ni Liza Soberano.

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Cristy ukol dito lalo na at tila maraming nasira umano sa mga naging pahayag ni Liza sa vlog at ilang interviews.

"Bakit kailangan niyong pasamain yung dating manager ni Liza? E samantalang may naganap naman sa career ni Liza. Dahil kung walang naganap, hindi sumikat si Liza, hindi niyo siya kukunin para pakinabangan dito sa Careless management."

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

"Ang ganda sana ng rebranding niya. Ang ganda sana ng paglipat niya, e hindi e. Baliktad ang nangyari. Siniraan ang ABS-CBN, siniraan ang Star Magic, ang Star Cinema at si Ogie Diaz."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinayuhan na rin niya ang mga ito na mag-usap-usap gayung hindi nagkakatugma ang kanilang sinasabi.

"Tatatlong piraso kayo o apat o lima, kung ilan man kayo diyan sa Careless whisper niyo na 'yan, iilang piranggot kayo diyan hindi pa kayo nagkakausap. Ano bang nangyayari sa inyo? Bali-baliktad ang mga kwento niyo," ani Cristy.

"Gawan niyo ng sarili niyong diskarte si Liza Soberano nang hindi niyo sinisira 'yung dating management."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Read also

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Sa ngayon, nakalipad na muli si Liza sa Amerika. Ito ay matapos ang naging interview sa kanya ni Boy Abunda. Habang noong Pebrero 21 pa naman naganap ang interview ni Bea Alonzo kay Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel