Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"

Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Bea Alonzo sa umano'y pamba-bash ng ilan kaugnay pa rin sa issue ng ghosting

- Mayroon umanong karapatan si Bea na magsalit ukol dito lalo na't naranasan umano ito ng aktres

- Gayunpaman, kahanga-hanga rin umano ang pagbangong ginawa ni Bea mula sa nangyari

- Kaya marahil may lakas ng loob na itong mapag-usapan ngayon ay dahil naka-move on na ang aktres at masaya na sa kanyang love life

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

To the rescue si Cristy Fermin kay Bea Alonzo na muli na namang na-bash kamakailan patungkol pa rin sa 'ghosting' issue na naibahagi niya sa isang interview.

Cristy ipinagtanggol si Bea sa 'ghosting' issue: "Meron po siyang karapatan na magsalita"
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ipinagtanggol ni Cristy si Bea at sinabing nasa lugar umano ang pagsasalita nito.

"Meron po siyang karapatan na magsalita tungkol sa mga lalaking nanloloko. Dahil minsan sa isang panahon, siya po any nabaon sa isang matinding sakit sa ginawa sa kanya," paliwanag niya.

Read also

Cristy sa 'Careless': "Mamumuhunan ba kayo kung walang pangalan si Liza?"

Mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang katatagan ni Bea na nakabangon sa naturang issue.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun po ang maganda kay Bea. Hindi siya natulog... hindi siya talaga nanaginip o binangungot sa karanasan ngayon. Lumaban siya," ani Cristy.

Marahil naka-move na raw ang aktres sa nangyari dahil sa may lakas na ito ng loob na pag-usapan ang bagay na dating nagpahirap sa kanya.

"Isa po siya sa may pinaka-karapatan na magsalita tungkol sa isyung ito. HIndi natin dapat i-bash. dapat nga, matuwa pa tayo dahil mula po sa napakasakit na pangayayari sa kanyang love life, bumangon siya"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Sa ngayon, unti-unti na rin siyang namamayagpag sa mundo ng YouTube kung saan madalas niyang maipakita ang kanyang pamilya at farm na 'Beati Firma"

Minsan nang gumawa ng ingay ang hiwalayan nila ng aktor na si Gerald Anderson. Ito ay dahil aminado ang aktres na hindi maayos ang pagtatapos ng kanilang relasyon. Gayunpaman, wala pa umanong mas sasaya pa kay Bea na boyfriend si Dominic Roque.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel