Cristy Fermin, todo puri si Bea Alonzo; naihambing kay Liza Soberano

Cristy Fermin, todo puri si Bea Alonzo; naihambing kay Liza Soberano

- Todo puri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo na bagama't maagang nagsimula sa showbiz, ni minsan hindi kinaringgan ng reklamo

- Kahit na umano madalas itong ipareha sa kanyang ka-love team noon na si John Lloyd Cruz

- Ngayon, masasabing isa si Bea sa matatagumpay na aktres ng kanyang henerasyon

- Dahil dito, hindi maiwasang maihambing siya kay Liza Soberano na kontrobersyal ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Cristy Fermin si Bea Alonzo bilang isang aktres na kailanma'y hindi kinaringgan ng anumang reklamo o hinaing sa kanyang propesyon.

Cristy Fermin, todo puri kay Bea Alonzo; naihambing kay Liza Soberano
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na hangang-hanga umano si Cristy kay Bea na maagang nagsimula sa showbiz at hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag sa kanyang career.

Dahil dito, hindi naiwasang maihambing siya sa kontrobersyal na aktres ngayon na si Liza Soberano.

"Eto ang mababanggit ko diyan, Bea Alonzo. Dose anyos lang din si Bea Alonzo nang mag-artista. Wala tayong narinig na reklamo ni Bea kung bakit laging si John Lloyd Cruz lang ang kanyang kasama," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa 'This is Me' vlog ni Liza na gumawa ng ingay kamakailan, isa sa mga nabanggit niya ay ang pagkawala umano ng kanyang kabataan dahil sa maagang pagtatrabaho.

Gayundin ang pagkakapareha lamang sa iisang lalake on-screen at hindi pagkakaroon ng oportunidad na makawala umano sa love team.

"Wala tayong narinig kay Bea Alonzo. Tinanggap niya, ginawa niya, pinanindigan niya at ikinaligaya niya ang tulong sa kanya ng ABS-CBN," giit pa ni Cristy na labis na humanga kay Bea na dahil umano sa kabutihang ipinakikita sa mga nakaagapay sa kanyang kasikatan, namamayagpag pa rin ang kanyang showbiz career hanggang ngayon.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Wendell Alvarez, Romel Chika at Cristy Fermin mula sa YouTube channel nila na 'Showbiz Now Na!':

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel