Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak

- Masayang nagdiwang ng kanyang ika-70 na kaarawan ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor

- Hindi raw umano niya ramdam ang kanyang edad lalo na at marami pa raw siyang nais na gawin

- Bukod sa patuloy na paggawa ng mga proyekto gaya ng pelikula, marami rin umano silang nais na tulungan na mga kababayang nangangailangan

- Malaking bagay din umano na kumpleto ang kanyang mga anak sa pagdiriwang niya ng kaarawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na nagdiwang kamakailan ng kanyang 70th birthday.

Nora Aunor, masayang nagdiwang ng 70th birthday lalo't kumpleto ang mga anak
Nora Aunor kasama ang mga anak at apo (@misismatet)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng pagsasalo-salo ang mga malalapit na tao kay 'Ate Guy', lalong-lalo na ang kanyang mga anak na sina Lotlot De Leon, Ian De Leon at si Matet.

Read also

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

Matatandaang kahit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Matet bago matapos ang taong 2022, nagkaayos din naman ang dalawa.

Katunayan, sa mensaheng ibinigay niya sa ina sa kaarawan nito nasabi niyang madalas na rin sila nitong magkausap.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon naman sa nag-iisang Superstar, pakiramdam niya'y hindi pa siya 70 sa dami pa ng nais niyang gawin.

Matatandaang naging usapin noong nakaraang taon ang kalusugan ni Ate Guy na umano'y naka-wheelchair at mabilis mapagod.

Katunayan, sa panayam sa kanya ni Mario Dumaual, aminado ang Superstar na hinihingal pa rin umano siya.

Gayunpaman, hiling niyang humaba pa rin ang kanyang buhay dahil bukod sa mga proyrektong gagawin tulad ng pelikula, marami pa raw siyang nais na matulungan.

Si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang si Nora Aunor ay isang Filipina actress, recording artist, at film producer at tinaguriang Superstar ng showbiz sa Pilipinas. Gumanap din siya sa ilang mga stage plays, television shows at mga concerts. Huli siyang napanood sa mga teleserye sa GMA 7 na Onanay. Noong nakaraang taon, tinanghal si Nora bilang isa sa mga national artist sa bansa.

Read also

Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! naibahagi ni Cristy Fermin ang pagkakaayos nina Matet at ina nitong si Nora Aunor. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa parehong negosyo na kanilang pinasok. Aminadong sumama ang loob ni Matet sa nangyari subalit nang magkaayos sila ng ina. mismong si Nora ang sumalubong sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel