China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"

- Sa video ni China Roces, naibahagi niyang mag-aaral na muli ang anak niyang si Timothy ngayong Setyembre

- Aniya, nakakabuo na rin ito ng mga sentences at nakaka-nosebleed dahil aniya ay English accent daw talaga ito

-Nabanggit niya rin na sana ay magsustento na ang mga tatay na hindi nagsusustento dahil mag-aaral na uli ang anak niya

- Ito ang kanyang nabanggit sa isang video kung saan naibahagi niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni China Roces na mag-aaral na ang anak niyang si Timothy. Nabanggit niya rin na sana ay magsustento na ang mga tatay na hindi nagsusustento dahil mag-aaral na uli ang anak niya.

China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento"
China Roces: "Sana yung mga hindi nagsusustentong tatay ay magsustento" (@yourbabychina)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video na kanyang napost ngayong araw, naipakita niya ang anak na si Timothy na aniya ay nakakabuo na rin ng mga sentences at nakaka-nosebleed dahil aniya ay English accent daw talaga ito.

Read also

Maricel Soriano, ayaw pa-stress sa mga baguhang may attitude: "Hindi ko naman kayo kilala"

Si Timothy ang anak ni China sa dating karelasyon niyang content creator din na si Tim Sawyer. Matatandaang naging kontrobersiyal at usap-usapan ang kanilang relasyon lalo at marami silang followers bilang magkapartner.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Matatandaang binahagi ni China na sumailalim siya sa liposuction sa Morato Medical Group noong Marso ng kasalukuyang taon. Sumailalim umano siya sa pagpapaopera upang mapalakas niya ang kumpiyansa niya sa sarili bilang isang social media influencer. Nais niyang maibalik ang dating katawan noong hindi pa siya nangangak sa baby nila ni Tim Sawyer. Aniya, papanatilihin niya ang pangangatawan niya sa pamamagitan ng tamang pagkain at palaging pagwo-workout.

Tumabo naman sa mahigit isang milyon ang views ng isang video kung saan namataang magkausa sina Rob Moya at China. Makikita ang dalawang vlogger na nag-uusap, nagtatawanan at nagbubulungan pa. Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bagay umano ang dalawa at wala namang masama kung magkamabutihan sila. Ito ay sa kadahilanang parehas naman umanong single ang dalawa at may mga nagsasabing may chemistry sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel