Magkaibigang Rob Moya at China Roces, namataang magkasama sa isang event

Magkaibigang Rob Moya at China Roces, namataang magkasama sa isang event

- Tumabo sa mahigit isang milyon ang views ng isang video kung saan namataang magkausa sina Rob Moya at China Roces

- Makikita ang dalawang vlogger na nag-uusap, nagtatawanan at nagbubulungan pa

- Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bagay umano ang dalawa at wala namang masama kung magkamabutihan sila

- Ito ay sa kadahilanang parehas naman umanong single ang dalawa at may mga nagsasabing may chemistry sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang Facebook video na ibinahagi ng Facebook user na si Bright Kho, makikita sina Rob Moya at China Roces nag-uusap, nagtatawanan at nagbubulungan pa. Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bagay umano ang dalawa at wla namang masama kung magkamabutihan sila.

Rob Moya at China Roces, namataang magkasama sa isang event
Rob Moya
Source: Facebook

Dalawang beses din nakita sa video na nagyakapan ang dalawa. Base sa caption ng naturang video na mayroon nang mahigit 1 million views, magkaibigan daw sina Rob at China.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Matatandaang dating nagkasama sina Rob at ang ex boyfriend ni China na si Tim Sawyer noong naghiwalay sila.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagay sila. Nakakakilig sila tingnan. Ang ganda ni China Roces' bagay sila dami niyo viewers promise pag kayu nag partner.
Miss China Roces mag Collab kayo ni Rob Moya. Bagay kayo
Hala bakit parang may iba akong nararamdaman Sila tlga ung bagay

Si Rob Moya ay isang aktor at YouTube content creator na naging karelasyon ng YouTuber na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni na si Tyronia Fowler.

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya magpapaloko.

Kamakailan lang ay hinarap ni Toni si Rob nang puntahan niya ito sa condo. Muling naging malala ang sitwasyon nang magtanong si Rob kung pwede daw ba siyang manligaw uli kay Toni. Agad namang nag-walk out sina Toni nang lumuhod si Rob para sa kanyang proposal.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel