Nora Aunor at Matet De Leon, nagkaayos na ayon kay Cristy Fermin

Nora Aunor at Matet De Leon, nagkaayos na ayon kay Cristy Fermin

- Nagkaayos na umano ang mag-inang Matet De Leon at Nora Aunor

- Naibahagi ito ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode ng kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!

- Namataan umano si Matet sa kaarawan ni John Rendez kung saan ang Superstar mismo ang sumalubong sa kanya

- Kapansin-pansin ang pagkakapit-kamay pa ng dalawa at magkatabi sa mesa sa naturang party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila maganda na ang pasok ng Bagong Taono sa mag-inang sina Nora Aunor at Matet De Leon.

Nora Aunor at Matet De Leon, nagkaayos na ayon kay Cristy Fermin
Nora Aunor at Matet De Leon (@misismatet)
Source: Facebook

Ito ay dahil sa natuldukan na umano ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa base sa ulat ni Cristy Fermin sa pinakabagong episode sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Nalaman ng KAMI na napanood umano ni Cristy ang YouTube channel ni John Rendez kung saan makikitang magkasama ang Superstar at ang kanyang anak na si Matet.

Sa pahayag umano ni John, nasabi nitong masinsinang nagkausap ang mag-ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Bago mag-Bagong Taon ay tinawagan ng Superstar si Matet. Matagal silang nag-usap ng masinsinan at inimbitahan ni Nora ang kanyang anak sa kaarawan ni John," ani Cristy.

"Si Nora mismo ang sumalubong sa anak na si Matet sa gate. Ramdam sa kanilang paglalapit ang pagmamahalan. Laging nakakapit sa braso ni Matet si Nora kambal ang masuyong paghaplos. Natuldukan na ang hindi nila pagkakaunawaan," dagdag pa ni Cristy.

Mapapanood sa video na ito ang bahagi kung saan makikitang magkasama na muli si Nora Aunor at si Matet.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Isa sa mga natalakay sa kanyang mga Showbiz channel ay ang naging hidwaan ng mag-inang sina Matet De Leon at Nora Aunor dahil umano sa sardinas.

Aminado si Matet na sumama ang loob sa ina na tila ginaya 'di umano ang negosyong kanyang pinasok na sa tingin niya'y hindi magandang ideya at makaaapekto sa kanilang benta.

Dala umano ng sama ng loob, nabanggit pa ni Matet sa isang interview na hindi na niya muling kakausapin pa ang ina. Subalit sa pagpasok ng taong 2023 ay nagkaayos na rin sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel