Ogie Diaz sa latest photo ni Kris Aquino: "Mabisa ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya"

Ogie Diaz sa latest photo ni Kris Aquino: "Mabisa ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya"

- Isa si Ogie Diaz sa natuwa sa matapos na ibahagi ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pinakabagong larawan ni Kris Aquino

- Aniya, kapansin-pansin ang dagdag timbang ni Kris kumpara sa mga nagdaan niyang larawan at video

- Mabisa raw ang mga dasal ng taong hiling na gumaling na ang Queen of all media

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang panayam ni Romel Chika kay Mamu tungkol sa nakikita nito sa kapalaran ni Kris

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad ding naibahagi ni Ogie Diaz ang pinakabagong larawan ni Kris Aquino ngayong bagong taon.

Ogie Diaz sa latest photo ni Kris Aquino: "Mabisa ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya"
Ogie Diaz (@ogie_diaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha ito ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na nagawang bisitahin si Kris sa California kung saan ito namamalagi ngayon.

Makikita si Kris na bahagyang nakangiti sa kanyang mga larawan at ang ilan ay kasama pa ang kanyang panganay na anak na si Josh.

Read also

Vhong Navarro, haharapin muli ang kaso sa Pebrero ayon kay Cristy Fermin

Ani Ogie, kapansin-pansin ang pagdagdag ng timbang ni Kris Aquino kumapara sa mga nagdaan nitong larawan kung saan malaki naman ang ipinayat nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kris is gaining weight! Mabisa ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya," ani Ogie sa kanyang post. Dahil dito, hiling din niya ang patuloy na panalangin para kay Kris at sa patuloy na paggaling nito.

Samantala, naging usap-usapan kamakailan ang umano'y nakita ng prophetic witch na si Mamu sa kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino. Nakapanayam ito ni Romel Chika at napag-usapan nila ito nina Cristy Fermin at Morly Alinio sa Showbiz Now Na!

Bagama't aminadong kinilabutan sa umano'y nakita ni Mamu, naniniwala pa rin si Cristy na wala umanong ibang makakaalam ng ating kapalaran kundi ang Diyos lamang.

Sa naturang YouTube channel din napag-usapan nila ang sinasabing pagpapahanap na ng mabibiling tahanan ni Kris Aquino sa Amerika.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Ayon sa source ni Cristy, sa Orange County raw ito nagpapahanap, isang lugar kung saan maayos at secured si Kris gayundin ang kanyang mga anak. Dahil dito, sinasabing matatagalan pa umano ang Queen of All Media sa Amerika dahil sa kanyang pagpapagamot. Tulad ni Ogie Diaz, hiling din nina Cristy na matumbok na ang lunas para sa mga karamdaman ni Kris gayung halos kalahating taon na itong nakikipaglaban sa kanyang sakit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel