Joshua Garcia, idinetalye ang tungkol sa sensuality workshop nila nina Jodi at Gabbi

Joshua Garcia, idinetalye ang tungkol sa sensuality workshop nila nina Jodi at Gabbi

- Naikwento ni Joshua Garcia ang tungkol sa dinaluhan nilang sensuality workshop nina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia

- Ito ay para umano sa mga maiinit nilang eksena sa serye nilang 'Unbreak my heart'

- Dahil dito, naging madali para sa kanila ang mga eksenang inakala nila na sila ay mahihirapan

- Nagpasalamat din umano si Joshua sa tiwalang ibinigay sa kanya nina Jodi at Gabbi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Idinetalye ni Joshua Garcia ang tungkol sa sensuality workshop na kanilang dinaluhan para sa bago nilang serye na Unbreak my Heart.

Joshua Garcia, idinetalye ang tungkol sa sensuality workshop nila nina Jodi at Gabbi
Joshua Garcia, Gabbi Garcia and Jodi Sta. Maria (@unbreakmyheartph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naitanong sa kanya ni Boy Abunda nang maging panauhin niya ito sa Fast Talk.

Ani Joshua, inakala niyang magiging mahirap ang mga maiinit nilang eksena subalit napadali umano ito dahil sa naturang workshop

Read also

Vic Sotto, wala pa umanong planong mag-retire: "Malayo pa sa isip ko"

"Akala ko kasi challenging siya pero first time kong gumawa ng love scene with Miss Jodi. Pero buti nalang po, dumaan kami sa sensuality workshop. And natulungan kami, naging detalyado kami e. The way we kiss kung gaano katagal. 'Dun kasi sa sensuality workshop kasi Tito Boy, dun mo malalaman kung hanggang saan ang limit mo. Kung hanggang saan 'yung pwede mong hawakan, pwede mong halikan, pwede mong hawakan... sobrang detailed."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis din niyang pinasalamatan sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia na pawang mga nakapareha niya sa serye dahil sa tiwalang binigay sa kanya ng mga ito.

"Sobrang pasasalamat ko kay Gabbi at Jodi kasi importante 'yun e, 'yung may tiwala ka sa partner mo"

Narito ang kabuuan ng kanayng pahayag mula sa GMA Network YouTube channel:

Read also

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Sa ngayon, bahagi siya ng pinakaaabangang teleserye na Unbreak my Heart. Ito ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang GMA at ABS-CBN.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel