Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka mag-level up sila"

Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka mag-level up sila"

- Marami ang na-excite nang makitang magkasama sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz

- Dahil dito, marami ang umaasang magkakaroon umano sila ng bagong proyekto na magkasama

- Ayon kay Ogie Diaz, posibleng romcom na naman ang gawin ng dalawa ngunit maaring mag-level up na rin ito sa gagawin nilang proyekto

- Matatandaang ilang pelikula na rin ng dalawa ang pumatok sa takilya tulad ng 'A very special love,' 'You changed my life,' 'It takes a man and a woman,' at 'Finally found someone'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpangiti sa mga fans nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang kanilang picture na magkasama na naibahagi ni Sarah sa kanyang IG post.

Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka magli-level up sila"
Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz (@justsarahgph)
Source: Instagram

Dahil dito, maging sina Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update channel ay nausisa sa inaasahang proyekto na maaring pagtambalan na naman ng dalawa.

Read also

Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"

"'Di natin alam pero posible 'yan na romcom. Kasi unang-una, may chemistry na maganda si Sarah at si John Lloyd," ani Ogie.

Gayunpaman, hindi makapagkakaila na sa kabila ng kanilang edad, mabilis pa rin silang magpakilig sa kanilang mga manonood.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So kaya pa rin nilang magpakilig. Despite the fact na si John Lloyd ay ilang taon na? 40 na? Si Sarah 35, 'o baka magli-level up sila," dagdag pa ni Ogie.

Sakaling isang seryosong pelikula naman ang kanilang gawin, drama o tipong malayo sa mga nauna nilang pinagtambalan sa takilya, siguradong suportado pa rin sila ng kanilang mga fans na matagal na panahon ding nag-abang sa susunod na pagsasama nila.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs mula sa kanilang Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Read also

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/ performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A very special love,' 'You changed my life,' 'It takes a man and a woman,' at 'Finally found someone'

Wala pa man muling nagagawang pelikula, nito lamang May 12, sold out ang concert ni Sarah sa pagdiriwang niya ng ika-20 taon niya sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel