Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

- Ibinahagi ni Cristy Fermin na hindi na umano tuloy ang mga shows sana ni Willie Revillame sa Amerika

- Ayon sa kanyang source, nag-usap na umano si Willie at si Boss Vic Del Rosario ng VIVA na siyang producer ng show

- Subalit dahil sa mga pagbabagong hiling ng VIVA, hindi na raw itinuloy pa ang mga show

- Gayunpaman, nakarating din umano sa kanya na magkakaroon si Willie ng programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na raw matutuloy ang ilang mga shows sana ni Willie Revillame sa Amerika ayon sa source ni Cristy Fermin.

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan din umano ito sa hindi na rin natuloy na pagpirma ng kontrata ni Willie sa Viva.

"Pati pagpirma niya ng kontrata sa Viva, hindi natuloy. Ang kwento ng aking source, nag-meeting na raw si Boss Vic Del Rosario at si Willie Revillame. Nagkasundo na na kukuha ng 20% ang VIVA sa lahat ng kikitain ng konsyerto ni Willie. So okay, oakay na raw wala nang problema," ani Cristy.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Subalit nagkaroon ng problema nang magkaroon umano ng karagdagang ikakaltas sa naunang napag-usapang 20% lamang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Maya-maya raw, pagkatapos ng ilang araw, meron na naman daw kakaltasin na 20%. 'Yung booking saka 'yung finder's fee. Edi 40% na."
"Ewan ko kung bakit tinanggihan ni Willie ito. Aba, dapat habang wala siyang TV show, 'dun na muna siya sa pagko-concert sa iba't ibang bansa"

Gayunpaman, tila may nilulutong bagong programa ang Wowowin host at ito umano ang kanyang pinaghahandaan.

"Pero meron daw surpresa e. parang mayroong binubuo na programa si Willie ngayon na hindi sa network mapapanood."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Cristy, ipinagtanggol si Sylvia Sanchez: "'di niya kailangang gamitin ang mamanugangin"

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Matatandaang nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sina Cristy Fermin at Willie Revillame dahil sa umano'y naging pasaring ni Willie sa taong pinaniniwalaan ng si Cristy.

Isang araw matapos na mangyari ito sa programa niya noon na Wowowin. inamin niyang si Cristy nga ito at humingi na umano ng sorry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel