Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps

Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps

- Nagpakilig si Joshua Garcia sa 'Eat Bulaga' Dabarkads nang bumisita sila sa programa noong May 27

- Kasama ni Joshua ang ilang cast ng bago nilang teleserye, ang 'Unbreak My Heart'

- Maging ang ilang mga EB Dabarkads ay natuwa sa pagbisita ni Joshua sa kauna-unahang pagkakataon

- Si Joshua ay bahagi ng unang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang ABS-CBN, GMA at Viu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado ang marami na talagang nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads ang aktor na si Joshua Garcia nang bumisita ito sa programa noong Mayo 27.

Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkadz; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps
Joshua Garcia at ibang cast ng Unbreak My Heart (@eatbulaga1979)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging bahagi sila ng Bawal Judgmental, kasama ang ilang cast ng bago nilang teleserye na mapapanood din sa GMA.

Maging ang mga host ng Eat Bulaga ay masayang makasama si Joshua tulad ni Allan K na nakipagkulitan nang husto sa aktor.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Katunayan, sinabayan pa niya itong gawin muli ang TikTok moves nito na talagang nag-viral noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napakinggan din nilang kumanta si Joshua na nagpaunlak ng maiksing bahagi ng awiting 'Hanggang Kailan' na orihinal na kanta ng Orange and Lemons.

Mapapanood na muli si Joshua gabi-gabi sa teleseryeng Unbreak My Heart. Ito ang kasunod niyang proyekto matapos ang Darna.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang guesting sa Eat Bulaga:

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"

Sa ngayon, bahagi siya ng pinakaaabangang teleserye na Unbreak My Heart. Ito ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang GMA at ABS-CBN at Viu. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, nabanggit ni Joshua na sumailalim pa sila sa sensuality workshop nina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia upang mapaghandaan ang ilang eksena nila sa serye.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel