Estudyanteng bitbit sa stage ang larawan ng mga yumaong magulang, viral
- Umatig sa puso ng marami ang viral video ng senior high school student na bitbit ang larawan ng mga magulang sa kanyang graduation
- Ulila na sa ama't ina ang estudyante subalit nagawan niya ng paraan na makasama pa rin ang alaala ng mga magulang
- Gayunpaman, determinado ang estudyanteng ito ipagpatuloy ang pagkokolehiyo at maging isang ganap na abogado balang araw
- Aminadong mahirap, patuloy pa rin daw niyang nalalampasan ang mga pagsubok sa kanyang buhay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Viral ang video ng graduation ni Juvelyn Dela Torre Eugenio kung saan naisipan nitong dalhin ang larawan ng kanyang mga yumaong magulang sa pag-akyat niya sa entablado.
Nalaman ng KAMI na emosyonal si Juvelyn nang araw na iyon lalo na at mga larawan na lamang ng kanyang mga magulang ang pwede niyang isama sa isa sa mahahalagang araw ng kanyang buhay.
Sa panayam sa kanya ng TeleRadyo na halos magkasunod lamang na taon nawala ang kanyang mga magulang.
15-anyos siya nang yumao ang ama dahil sa heart failure habang ang ina naman ay dahil sa stage four brěast cancer noong siya naman ay 17-anyos na.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama lamang ngayon ni Juvelyn ang kanyang kapatid at mga kamag-anak na sumusubaybay pa rin sa kanila.
Gayunpaman, iba pa rin umano ang buhay nila noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang.
Subalit sa kabila ng mga pagsubok na ito, determinado pa rin si Juvelyn na makapagtapos siya ng pag-aaral at maging isang ganap na abogado balang araw.
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya sa TeleRadyo:
Matatandaang minsan ding nag-viral at umantig sa puso ng marami ang post ng isang senior high school graduate na proud sa kanyang ama.
isa umanong backhoe operator ang ama ng estudyanteng si Guillerma Idias na sinikap na makadalo pa rin sa kanyang Pagtatapos.
Umantig sa puso ng marami ang larawan ni Guillerma at amang si Florentino na hindi na umano nakapagpalit pa ng damit mula sa trabaho.
Labis-labis ang pasasalamat ni Guillerma sa ama na kahit mababakas ang pagod sa trabaho ay nakangiti pa rin ito sa espesyal na araw niya na sinikap talaga nitong daluhan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh