Na-scam na bagong kasal, nakapag-honeymoon getaway na sa Bora dahil kay Tulfo

Na-scam na bagong kasal, nakapag-honeymoon getaway na sa Bora dahil kay Tulfo

- Natuloy nga sa Boracay ang bonggang honeymoon getaway ng bagong kasal na na-scam kamakailan ng kanilang wedding organizer

- Maaalalang nag-viral ang video at photos ng bride na talagang naluha nang malamang walang nai-book na restaurant ang organizer

- Una na nilang natanggap ang sosyal na wedding reception na handog naman sa kanila ni Neri Miranda

- Labis silang nagpapasalamat kay Raffy Tulfo na siyang nagregalo sa kanila ng kanilang honeymoon Getaway

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi na sa Raffy Tulfo in Action ang naging honeymoon getaway ng bagong kasal na sina Cherry Pie Satingasin at mister niyang si Arniel.

Nalaman ng KAMI na nang dumulog ang mag-asawa sa programa ni Tulfo, nag-offer ang matulunging host na sagot na umano niya ang honeymoon ng mga ito.

Na-scam na bagong kasal, nakapag-honeymoon getaway na sa Bora dahil kay Tulfo
Sina Cherry Pie at Arniel sa kanilang honeymoon sa Boracay (Photo from RTIA)
Source: Facebook

Kamakailan ay natupad na nga ito at sa Boracay nga natuloy ang romantic getaway ng mag-asawa.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natanggap na rin nila ang tulong pinansyal na handog din sa kanila ni Tulfo na siyang ibinayad naman sa iba pang mga gastusin sa kanilang kasal na umano'y itinakbo rin ng wedding organizer ang pambayad. Naikwento rin nila na dahil sa walang nai-book na wedding reception ang scammer na organizer, inimbita na lamang pala nila ang kanilang mga bisita sa kanilang bahay upang doon na lamang kumain ng litsong manok, habang silang mag-asawa ay dumiretso na noon sa police station.

Samantala, mababakas na ngayon ang saya sa mag-asawa taliwas sa nag-viral na video lalo na ng bride na noo'y napaiyak nang malamang walang na-book na reception venue ang wedding organizer na si Naser Fuentes.

Narito ang ilan sa mga kaganapan sa masayang honeymoon nina Cherry Pie at Arniel:

Read also

Viral na kwelang music teacher, muntik nang ma-kidnap: "Nagpanggap po siya na madre"

Setyembre 25 nang makarating pa sa programa ni Raffy Tulfo ang reklamo nina Cherry Pie at Arniel sa kanilang wedding coordinator na si Naser Fuentes.

Agad namang nadakip si Naser ng mga awtoridad at nakasuhan ng estafa lalo na at hindi ito ang unang beses na nakapanloko siya ng kanyang mga naging kliyente.

Samantala, isa naman ang actress at businesswoman na si Neri Naig Miranda sa nakapanood ng viral video ni Cherry Pie na umiiyak. Blang regalo, sinagot naman ni Neri ang naudlot na wedding reception ng bagong kasal. Nagpaunlak din ang kanyang mister na si Chito Miranda na iharana ang dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel